August 11, 2009 by ham8113
Hindi nakaligtas ang caviar
sa mata ng mga sanay-sa-bagoong-na suki
ng karinderya. Ang may-ari
gayundin ang humindig; nagdidildil
ang mga parukyano niya sa budget meal
ay nagpapasasa sa Le Cirque
ang pangulo, kasama ang mga kaalyado,
at si Dom Perignon, siguro.
Habang ang bansa ay nagtitiis
at nagluluksa sa libing ng kanyang
mortal na kabaligtaran. Hindi
kailangang maging arkanghel
upang maintindihan ang usapan
sa hapunan. Malamang ay papuri
sa mga tauhan ni Wilde sa wikang
Pranses, maiba-iba naman nang konti.
----> marco
siguro katoto,halina tayo’y maupo
pag-isipan natin ng lubos at totoo
habang sila’y lasing at nagkakagulo
tayo’y kikilos; pagtutulungang ipangko
hanguin nga natin ito sa pagkakasukol
sa tiiising pinagdudusahan magpahanggang ngayon
ng bayang hilahod na’y patuloy pang nilulumpo.
http://www.emanilapoetry.com/writersgroup/index.php/piyesta/


No comments:
Post a Comment