
Ang talulot at ang liwanag
ni marco liwanag
sa gitna ng hardin nitong lupang silangan
hardin na kahalintulad ng edeng pangarap
doo'y mayroong masasamyong halimuyak
sundan mo't ito'y patungo,sa musang tahanan.
ang musa doon kung iyong pakinggan
bawat awit niya may panlunas na taglay
anupamang bigat o sakit napaparam
makinig lamang maigi sa bawat nyang tayutay.
princesa talulot tanyag niyang pangalan
ito ngang musa na sa hardin nananahan
maging mga dayuhan,kung siguro'y mapadpad
tiyak kong hahanga kung si talulot mamasdan
ng bigla,bumugso ang isang alikmata
bumaha ang liwanag pinukaw ang madla
napansin kaagad itong kahanga-hanga
musang sa husay ay kaiga-igaya
saglit at itong binatang liwanag
tinawag ang plautang sa langit nahiram
tumugtog ng mga masasayang kundiman
at nakisaliw sa tugtugin ng musang mahusay

Liwanag!
ni princesa talulot ( sanilyn gianan )
at salamat naman. natapos na
ang hiwaga ng aking kamakata;
lundayan nga itong espasyong aba
para sa pluma ng mga musa
at ipairal ang liwanag na di
masasakop ng dilim.
dahil sa angkin niyang galing
talagang mabibihag lahat ng nimpa
ng eden at birhen ng mga hardin.
trumpeta'y mag-ingay
tambuli nagpupugay
at ang palasyo'y
lalagyan ng palamuti't himno
selebrasyon ang matatamo
sa paghahangad niyang mabuo
kinang ng kanyang berso
kinang ng kanyang puso..
at talagang tutubo ng tutubo
mga tayutay ng talulot
na nabusog ng liwanag
na sa kanya'y naging panatag!
mabuhay marco.

--salamat kapatid na sani sa isang ito!
No comments:
Post a Comment