sa kanyang pag akyat sa langit na mithi
liwanag niyang isinasaboy may himig bunyi
silahis ng pag-asa magiliw sa pagdampi
sa kasiyahang sa ngayon ay maingat na hinahabi
kaya naman ng ang aming kamalayan ay magising
nadinig namin ang pag-awit ng hangin sa papawirin
bulaklak nagpupugay, ang iba'y naglalambing
may buntong-hiningang kay sarap dinggin
sa dibdib idinadalit, salamat ama namin!
ang araw na ito ay siyang kaarawan
ng aming kapatid sa bayang mahal
dalangin ko kay bathalang patuloy syang ingatan
sa kanyang kalooba'y manatiling nananangan
ang dalisay na pag-ibig sa lupang sinilangan.
ang tulang ito'y iniaalay ko sa iyo kapatid
kapatid kong reya,kapatid ko sa panalig
na lubos tagumpay ay atin ding kakamtin
at pamuli mababantog inang bayan at lipi
marapat lang sa tawag na maharlikang turing
--ang tulang ito ay alay ko sa kaarawan ng kapatid na reya.

No comments:
Post a Comment