
Nagkalat na naman, sa kahit saan
panay kaway, panay kamay
talo pa artistang panginternasyonal
blockbuster ang poster sa bawat daan
wala pa man ang araw panay na ang pasada
tambak ang ads, kahit saan makikita
panay pa-gwapo panay pabida
pulitikong sana'y gumawa ng eksena
merong sige sa pamumudmod ng pera
merong ding nagmumukhang kwela
merong halos magmukhang kawawa
para lang makuha ang simpatiya ng masa
kanya kanyang gimik at drama
kanya kanya ang pakulo't plataporma
pero ng maupo't magumpisang magmani-obra
sagot niya "kanya kanya na muna"
talagang sa eleksyon puno ng kapalpakan
kasamaa'y nagkalat sa araw ng botohan
sana sa susunod maaus ang halalan
ng di naman maghirap itong ating inang bayan.


---Ito ay kolaborasyong pyesa namin ng aking bestfriend jonas suarez/jonathan pabuna salamat repa!
No comments:
Post a Comment