Tuesday, January 5, 2010

Moro moro




huwag ka munang umidlip,manatiling magmatyag
baka tahimik na gabi'y gambalain ng pangahas
mga armadong halimaw na nag hatid ay sindak
sa bayang kawawa na titikim ng dahas.

may naulilang musmos di matigil sa pag-iyak
magulang nya'y nahandusay sa dugo ay tigmak
mga tahanang noo'y puno ng saya't pagmamahal
ngayo'y tinutupok na nga sa apoy na nagliliyab.

pamatid uhaw ata nila ang pagdanak ng dugo
siguro ang palahaw ng iba'y pamalis nila ng lungkot
ah kaya pala,libangan nila ang pananakot
upang malubos kaligayahan kinikilala nilang mundo.

ilang buhay pa bang patuloy na ibubuwis
sa prinsipyo't paninindigang kanilang iginigiit.
ano nga ba talagang nais nilang makamit?
pagbabago ba ng lipuna'y patungo sa kahindik-hindik.

kaya't agawin mo muna ang idlip sa mata
magbantay na parati sa pagsalakay nila
at kung sa malayo ay matanaw mo sila
paka-iingat ka kaibigan,ang sarili'y isalba.

1 comment: