April 13, 2009 by Ezzard R. Gilbang
May *haraya na iginuguhit
ang mga bituin.
May harayang sumisilay
Sa mukha ng buwan.
May harayang binubuo
ang kimpal ng mga ulap.
Kahit katanghaliang tapat
may haraya sa matatalas na sinag
Saglit man na bulagin ng araw,
sa iyong pagpikit
magsasayaw sa balintataw
ang haraya ng liwanag.
*imahinasyon
----> Marco
sagitsit ng tuwang nanulay sa dibdib
malayang awitin sa hangin naririnig
tugon ng puso sa galak di’y aawit
awit ng makatang mayroong panimdim.
http://www.emanilapoetry.com/writersgroup/index.php/nasa-langit-ang-harayang-walang-hanggan/
Tumalon ang Imahen
April 14, 2009 by Ezzard R. Gilbang
Anim na talampakan
ang taas ng konkretong imahen
na inilalabas sa isang bukas na balkonahe.
Taon-taong inilalabas
sa tuwing sasapit ang kapistahan.
Nakatungo ang imahen.
Tinutunghan ang mga naglalakad
sa ibabang daan na nayuyungyungan
ng konkretong beranda na may labinlimang
talampakan ang taas.
Taon-taon itong ginagawa ng may-ari.
Taon-taon, sa tuwing pista.
Ano’t ngayong araw ng kapistahan,
nahulugan nito ang isang batang babae.
Na dagling namatay.
Sabi ng may-ari: Naghimala ang imahen!
----> marco
Sampung demonyo sige sa kakatawa
panay sa ang halakhakang nakakasuya
paano’y andun na naman itong tanga
asa sa milagro ng diyos na nililikha
ngitngit ng langit di inalintana
sa dugo ng musmos na nabubo sa lupa
milagrong antay, nangyari’y trahedya
Ayan ang himala ng imaheng tanga!
KAkaInis! ba’t ba bulag ang madla???
http://www.emanilapoetry.com/writersgroup/index.php/tumulan-ang-imahen/
Sa *Tuklong
April 13, 2009 by Ezzard R. Gilbang
Nagkakagulo sa baryo,
marami ang nagtataka,
dahil nawala ang santo.
Kagagawan ng demonyo,
ang sabi ng nananata,
nagkakagulo sa baryo.
Pintakasi’y nagtatampo
ang sabi ng nagtitika,
dahil nawala ang santo.
Kaya’t magtayo ng bago,
o lumipat ng kapilya.
Nagkakagulo sa baryo.
Kasunod nito ay bagyo,
o sumpang iba’t iba
dahil nawala ang santo.
Ay! Puno ng amorsiko,
lumabas isang umaga!
Nagkakagulo sa baryo
dahil lumitaw ang santo!
* bisita, kapilya
----> marco
Sa aming bayan palasak yang kwento
ng nagmimilagrong santong negro
mga engkanto,maligno’t,demonyo
sa kanya raw ay takot nagyuyuko pa ng ulo
kaya pala nagkaganoon baranggay namin katoto
sa takot sa negro napuno ng maligno
engkanto sa dilim naglisaw sa kanto
pati mga demonyo,naroon sa gobyerno.
ayos!
http://www.emanilapoetry.com/writersgroup/index.php/sa-tuklong-2-2/

isa sa mga iniidolo kong manunula si ka ezzard gilbang
No comments:
Post a Comment