
doon po sa ming lupang kung tawagin
lupang pinagpala bayan ng magiting
mga niniraha'y may husay na angkin
likas sa kanila pagiging magaling
kaya naman doo'y natatag 'tong bago
hardin ng eden na noo'y itinago
mga diwang busiksik nagbuhos ng talino
sa tulong ng pluma kastilyo'y natayo
kastilyo'y nagawang bagtasin ang ulap
sakdal tayog ito at namumusilak
sa gabi kaya ng abuting di hirap
ang bituin pati ang buwang marilag
kung madalaw ka nga'y karaniwan na lang
mga anghel na doo'y naglisaw sa daan
at sa dagat naman ika'y mapagawi
laksang mga sirena ang agad babati
e paano'y walang di nga maaari
kung kapangyarihan ng pluma'y gamitin
mayuming damdamin nitong makasining
kayang ipaglapit ang lupa at langit
--alay ko ang tulang ito sa site ng filipinowriter
No comments:
Post a Comment