BAGO MATAPOS ANG TAONG 2012 isang hirit pa Maki-JAM uli :)!
Monday, December 24, 2012
Anghel sa Silangan
May isang Anghel sa malayong silangan
na mga paa'y sa lupa nakaapak
mistulang malayo ang paroroonan
kasamang lumalakad ng kapuspalad
sa gitna ng unos tuloy sa paglakbay
namunong mahusay nagsikhay ng tapat
may damdaming hinog sa pakikiramay
layon nya'y ibangon ang purong tagumpay
ang mundo ay patuloy sa paghuhukot
subalit pag-asa nya'y di nabaluktot
pinuno ng tibay at tatag ang loob
aabutin kahit pa rurok ng bundok
kaya ang marami'y nagpupuring wagas
sa araw na itong likha ng maykapal
mapalad na araw para sa kapuspalad
kaarawan ng anghel sa silanganan
dose para sa kaarawan ni ate me-an nalate lng po ng pdala :)
Walang Pamagat
ako'y abang makatang sa luha sinilang
sa hirap at dusa'y lumaking namumulat
subalit kaaliwan ko'y itong bigay ng maykapal
matulaing damdaming may hiwagang taglay
kung dito sa lupa naturingang hamak
sa paraiso ng tula ay makapangyarihan
dulo ng mundo'y naabot ko minsan
dulo din ng langit naparoroon akong minsan
Ang liwanag sa silangan parati kong minamasdan
pati na mga daluyong ng alon sa dagat
aking paghikbi'y nalilimutang madalas
kapag inaawit ko ang tanawing namalas
kababalaghan ng daigdig ay gaya rin ng tula
awit ng langit sing-linaw ng bula
pang aliw sa puso ng yagit na nilikha
papuri sa diyos na manlilikha
Narito na tayo sa ikasiyamnapu at pito
siyamnapu at pito ang matuling lumipas
syamnapu't pitong taong napasakasaysayan
itong kanyang iglesia'y pinapagingtagumpay
pag ibig niyang hayag sa kanyang sintang bayan
At kung pagsauliang balikan ang lumipas
sagana niyang tulong ay hindi kumukupas
tapat niyang pangako'y patuloy tinutupad
lingap niya'y napasa mga piling hinirang
mula sa malalayong lupain ng silangan
mula sa mga yagit na estado ng buhay
mahusay na hinulma yaong hulang panatag
ang pagbangon ng anak ng sion na binanal
kay dami ng pahayag ang natupad na tunay
patotoo'y gaya ng bituing di mabilang
anupa't isa na lang ang pinakahihintay
yao'y ang katuparan ng ating kaligtasan
PANAGINIP
Kung andito ka lang
Ako na sanang manliligaw sa iyo
Ngunit walang pagkakataong sabihin ito
Sasabihin ko na
Ngunit tila nangangambang baka magbago pa
Ang iyong pagtingin
Chorus
Sa ihip ng hangin ko na lang ibubulong
Sa himig ng awit kong ito ikakanlong
Lahat ng nadarama'y ikukubli na lamang
Pagka't tulad mo'y ISANG PANAGINIP lamang
Kung Andito ka lang
Ako'y handa na maghintay
sa'yong damdaming ibibigay na aking inaasam
(repeatchorus)
Alay kay buntong hininga
naroroon ka na naman sa pagbubuntong hininga
nilulunod ang sarili sa lungkot na dala
ng pusong sadlak sa paggunita ng mga alaalang nagkukulay pula
at di mo pinapansin ang iyong paligid
na may kulay bughaw doon sa langit
sa dagat naroon patuloy na umaawit ang along parating sa dampa natin.
kung iyang mga kabigua'y sumapit sa iyo
kaibigan di ka naiiba sa iyong katoto
ako'y may kakilalang nilalamon ng husto,ng halimaw na kabiguan nitong ating mundo
ngiti lamang kaibigan kahit pa nga pilit
ang mahalaga'y maibsan ang pait ng dibdib
iyang lungkot sa ati'y tulad din ng sakit kailangang paglabanan para maiwaglit.
Subscribe to:
Posts (Atom)