
(kabanata XXIII EL fili)
sa aba nitong sinawi ng tadhanang anong lupit
sa pagdaramdam na tunay sa sigwang kahindik-hindik
timping sigaw di maawat nanulas na nga sa bibig
palahaw sa katunayan nakahahambal sa dinig.
wari'y hudyat nitong lagim papawirin ay nagdilim
lupa'y lubos nanaghoy,ang ulap ay nahahapis
ang kawawang kaluluwa sa pagpupuyos ng dibdib
doon sa lupa napako ang nanlalabong paningin.
lugmok ang kaniyang balikat, walang tuto kung lumakad
sinugod ang mararahas na tikatik ng ulanan
sa mga mata nya'y nagbatis ang 'sanglibong kalungkutan
himutok ibinubunton sa hangin at sa kawalan
sidhing sakit o bakit nga pinangyari ang ganito
palad na kalunos-lunos ang sa kanya'y pinatamo
daigdig niyang sa ngayon ay naroroon sa lundo
ng kahapisang malabis sa mithiin niyang bigo.
lipos noon ng pag-ibig ng adhika't ng pag-asa
yaong pamumuhay niya at ng kanyang minumutya
ng biglaang dumaluyong ang mala-buhawing luha
tinangay anmg magsing-irog landas nila'y pinag-iba.
naglagalag na may poot,sumumpang mag-hihiganti
at iligtas aknyang liyag doon sa pamimighati
kahit pa ang kabulukan kung hingin na pasamain
walang kurap na gagawin, tagumpay lang ay makamit.
ngunit anong kabuluhan magpakasakit mang lubha
anhin pa ang ihahandog na tagumpay na paglaya
kung ang aalayan nama'y ang bangkay ng iyong sinta
kasabihan nga'y totoo hayag nga sa kanyang mata.
No comments:
Post a Comment