Saturday, January 2, 2010

Pasasalamat namin sa 95 taon mong pagliligtas!

















O salamat po sa iyo ama naming mahabagin
sa dalisay mong pag-ibig na di masukat isipin
aming puso'y nalulugod lalo pang nagtutumulin
sa pagpuri ng 'yong ngalang 'rapat lamang dakilain.

pagka't muli'y nahahayag pangako mong pagkandili
sa iglesia mong tinawag sa mga wakas ng lupain
syamnapu't limang taon mong paglliligtas at paggiliw
bilad na aming namalas mahimala mong gawain

itong bayang tinawag mo na aba sa pasimula
sugong lider pang nanguna'y sa uod lang kinumpara
sa lipuna'y nabibilang isang yagit,maralita
sawimpalad na nilikha hinahamak tinutuya

'di natakot na lumusong sa pagtupad ng tungkulin
nagbadya man ang panganib pati na libong tiisn
tanging taglay lang sa loob nitong kanyang puso't isip
d'yos ang sa kanya'y tutulong dito'y sino ang pipigil?

kay naman matatayog laksang kalaban na bantog
'di nagtagumpay sa uod at lakas nila'y natalpog
hambog nilang katayua'y nagsiuwing naghuhukot
nagliwanag sa wakas yaong mga aral ng diyos

sa ating kasalukuyan itong bayang hinirang nya
patuloy na pinupuspos sa mga biyayang sagana
tinawid na pati dagat nangalat na sa mga bansa
maging sa jerusalemay nagbalik na ang iglesia

ang kaluwalhatian ay lubhang nangagsusumukdol
kaligtasang ating antay pagdating ng panginoon
lapit na nating manahin gantimpalang naroon
sa inhahandang bayang laan sa kanyang mga lingkod

purihin ka amang banal sa iyong pag-iingat
nagpapasalamat kami't ikaw sa ami'y nahabag
ibinibilang pang lagi sa iyong pinangakuang
bayang 'di pinababayaan,kalilingaing lubusan.




---tulang alay ko sa 95 taon ng Iglesia Ni Cristo

No comments:

Post a Comment