istasyon 1ni princesa talulot--
isang tula sa filipinowriter blog na nakatuwaan kong sagutinsumang-ayon na ako,
sa pagkawala mo
NGUNIT ipinilit mo pa
ring bumalik sa
istasyong ito
ng walang dalang maleta,
walang dala
-kundi poot
at paninira..
mas matalim ang dila
kaysa sa punyal.
mas marami pang magbabaon
ng balaraw na putol
kung mananatilika ngayon.
Doon ka nalang sa inyong nayon..
magpakahinahon.
ngunit ngayon walang pasubali
kong hihilingin, bago maghimagsik,
"WAG KA NANG BUMALIK!"
----> (marco)
sandali't ating pakaguluhin
bago maghimagsik ang inisin;
musmos na batang iyakin
halika dito at may kakanin
heto si inday na buslo'y butas
sahod ang palad ng dalawang kamay
ano kayang nag-aantay bukas
sa istasyong sa pakiwari'y karo ng patay!
ayun si kaka hehehehe!!!!
magulo ata kamakata!
---->(talulot)
salamat naman at bumalik
isang binata
pagkamakata ang hilig
salamat sa panandaling
patigilin sa iyak
ang neneng gustong kumain ng
kakanin...
(pero mas gusto ko ang pisbols at palamig..)
----> (marco)
salamat naman at bumalik
isang binata
pagkamakata ang hilig
salamat sa panandaling
patigilin sa iyak
ang neneng gustong kumain ng
kakanin...
(pero mas gusto ko ang pisbols at palamig..)
----> (talulot)
sa'yo aking katoto
ang pagdaan mo'y di nakakapagpabigo
paraan mong magtampisaw
sa sa tulaang nais humiyaw.
salamat sa pagtahan
panulaan mo'y nakagagaan.
sige kwek kwek din... =)

rhea,tanaga din ba??Buksan ang telebisyon
Umupo sa maghapon
Nangangating ilong
‘Pakamot sa katulong.
Dumulog na sa mesa
Ulam ay kaldereta
Hindi pa dumidighay
Ini’sip ng meryenda.
Sindihan’g sigarilyo
Philip, More o Marlboro
Ibuga’y hugis-puso
Ang sarap ng buhay mo!
Katapusan ng buwan
Pumunta sa bayan
Mag-widrow sa bangko
Salamat sa OFW.
Kawawang Asawa
Labis ang pagalala
Perang ipinadala
Kinulang pa kaya?
Kumakain mag-isa
Ulam ay pagdurusa
Umiinom ng luha
Nabusog ng pag-asa.
Tumunog na cellphone
Dibdib ay umaalon
Mahal na asawa
Binuntis ng katulong.
---->
(MARCO)aba'y biruin mo ito'y kahanga hanga
maiging ipalakpak itong kamay sa tuwa
sa tanagang mahusay na naipasa
si liwanag talagang napapatanga
---->
(JOURNEYMAN)Ang galing, ang galing!
Munting liwanag ko’y napansin
Ngunit kung ihahambing
Sa liwanag mong angkin
Ang sa akin ay bitin.
Salamat sa pagdaan at pag-ukol ng panahon sa aking munting nakayanan...

Tanagang Para Sa 'Yoni sofia (fw member)
Kasing-liit ng kuto
Tingin ni Kadyo sa’yo
Lagi ng nabibigo
Minimithing respeto.
Pagkutya at mura nya,
Ika’y nawang-nawa na
Puso mong umaasang
Bukas magbabago sya.
Puso ay ipahinga
Puso mong nagdurusa
Halika at magbasa
Nakayanang tanaga.
Kalimutan mo na sya
Humanap ka ng iba
Habang may respeto ka
Sa sarili mo,Nena.
Hangad ko sa yo twina
Walang hanggang ligaya
Iyong makamit sana
Nang ikaw ay sumaya.
Nagbabakasakali
Sa tanaga mawili
Yung buraot mapawi
Mapalitan ng ngiti.
----> (marco)
tuloy lang sa paggawa
ng tanagang katuwa
diwa'y aliwing lubha
malugod at matuwa
mapuno man ng lungkot
at hilahil ang mundo
hindi tayo susuko
makatang narahuyoYell
sikat ang tanaga dito sa FW ah hehehhee
----> (sofia)
salamat sa pagdaan,
tanaga ko’y nasilayan
akin lang sinubukan
kaalamang natuklasan.
----> (marco)
tuloy sa tanaga:
at siguro nabatid
itong hiwagang hatid
bagong kaalaman mo
ay nawa pagyamanin.
tulang sagot:
halika't ating tunguhing maagap
kahiwagaan nitong ating kakayahan
mapaglapit ang lupa,langit,kalawakan
sa yamang busiksik yaman ng diwang taglay!
kakayahan natin ay lubos kakaiba
kayang abutin kahit yaong mga tala
ipaliwanag ang sidhing nadarama
luha'y kayang pabukaling masagana
at kung dugo at pluma'y nag-isa
sa pagnanais ng diwang malaya
iyo ngang isatitik bubukal ang hiwaga
resulta'y lubos na kahanga-hanga
----> (sofia)
Wala ng masasabi pa
Sa iyong pagiging makata
Lahat ng sagot mo'y patula
Pati tuloy ako'y napapatula.
Hihihi...nakakatuwang aliwin ang sarili sa paggawa ng tula.

Mahirap Magmakatani geneva1027 (fw member)
(Mata ay nagmamasid
Sa buong paligid
Nagbabakasakaling
Mayroong masambit.)
----> (marco)
sandali mong ipikit ang iyong mata
ang daluyong na sa dibdib madarama
kapag naapuhap wag hayaang makawala
gagaping mong maigi't aanihi'y tuwa
tula'y maisasalin mapupuno ka ng tuwa.
~--->
isa pang tula sa mga blog ng filipinowriter site na napagkatuwaan kong sagutin (pasintabi po kay geneva)Kapalit Ng Dolyarni kapatid na journeyman
Sa Taiwan ay may
Titser
na naghihintay
naghihintay
sa bilangguan
ng kanyang kamatayan
kanyang kamatayan.
Noong isang linggo naman ay
may binitay
binitay
sa Saudi Arabia
Tatlo pang Filipino
ang naka-linya sa bitay
sa bitay
at tatlo rin ang may
sampung taon na sintensya
sampung taong
sintensiya.
Ito ang mga trahedya
na sinusuong
trahedyang sinusuong
ng mga Filipino
na nangingibang bansa para magtrabaho
mag-trabaho.
Ang hirap sa kanilang kalagayan
hirap na kalagayan
wala kang kalaban-laban
wala kang kamag-anak
wala kang mga kaibigan
na tutulong sa iyo
walang tutulong sa iyo.
Ang dami ng nakaka-bagbag
nakaka-bagbag na damdaming
kuwento
ng ating mga kababayang OFW
OFW
ngunit ang nakakalungkot
nakakalungkot
kahit ganun ka miserable ang buhay nila
miserable ang buhay nila
ayaw nilang umuwi
dahil mas mahirap ang buhay
mas mahirap
ang buhay
mahirap ang buhay dito.
----> (marco)
sa kalansing ng salapi
ay natutok na lang
itong pandinig ng mga hibang
gobyerno nating akala'y yaman
ang pagdating sa atin ng santerbang dolyar
ikauunlad daw nitong kababayan
at ng masang hilahod na sa kagagapang
un nga lang itong mga palalong dayuhan
kababaya'y inalipin,inaba pa ng lubusan
kababayan nating ang mata'y luhaan
may maipakain lang sa mga minamahal.

ULIRAT ni paul roquiapumikit.
umidlip.
dumilat.
ulirat.
pumikit.
umidlip.
dumilat.
ulirat.
pumikit.
umidlip.
dumilat.
ulirat.
humikab.
inantok.
pumikit.
umidlip.
dumilat.
ulirat.
pumikit.
dumikit.
binangungot.
patay.
----> (marco)
Patay na???
kung bakit pa kasi mata nitong antukin
di magkasya sa pananatili
sa mundong katotohanan ang syang hain
maskit nga lang sa dibdib kung iisipin.
inakupoooooooooooo!!!!!!!!!!!!!!!

Ito pala ang Kilig*ni mary jane grueso (fw member)he he...
akala ko'y isa ka lamang
kathang isip
na binuo ng mga makatang sinauna
o ng mga taong
mabababaw.
kung ganun,
mababaw rin pala ako.
he he..
di ko naisip na
maari ring ako'y maging biktima
akala ko,
ang meron ako'y pusong bato
na kahit si brad pitt
ay di makakayang tiktikin
ni mapapipintig ng mga ngiting piolo.
he he...
sabi nila bading daw si piolo
kahit na, gwapo pa rin siya
saka natalo naman
ang mga titik ni lolit solis
kaya pwede pa ring
pagpantasyahan ang ngiting piolo
pero ni minsan di ko naisip yun.
he he...
akala ko hanggang edad kim chiu
lang ang pwedeng tamaan,
ang pwedeng lumundag-lundag
ang puso na para bang
sasabog, pero di naman
na para bang mabigat
pero di naman.
he he...
ganito pala yun,
mahirap ipaliwanag
pero masaya, kahit walang nakakatawa
ngingiti-ngiti kahit walang kausap
parang baliw pero hinde naman
parang nanlalambot
pero di naman.
he he...
ang gulo, pero masaya
sana tumagal, sana nakatokan na nga
ang puso ko na dati
di natitinag, independiente
akala ko'y tama lang
kumpleto na, di kailangan ang kilig
di pala.
he he...
masaya pala
kahit mahirap ipaliwanag,
kahit bukas maaaring mawala
at mapalitan ng paghikbi,
pero okay lang
basta naranasan ko minsan
ganito pala ang kilig.
he he...
----> (Marco)
ALA CGEaba't ang nene ng matutong umibig
di ata mapigilan pitlag ng puso sa dibdib
hinahon di magawa kapag palapit
sinisilayang sinta sa kanyang paningin
ano ba't nahuhulog ata sanlibong bituin
paligid napupuno ng bulaklak pang hardin
umuulan ng mga niebe kahit di taglamig
giniginaw ng di malaman ewan nga ba kung bakit?
----> (mary jane grueso)
he he...
bakit nga ba? di ko rin alam
ang sagot talagang mahirap hagilapin
lalo na kung di naman nakikita
ni nahahawakan...
mahirap talaga pag damdamin
ay di sinadya pero nadadamay

Manong Tsuper ng Traysikelni rhea stone Ito ang kwento ng isang damsel
na sumakay ng traysikel:
Minsan may pumarang damsel
na may dalang mabigat na bundle
kay Manong Tsuper ng Traysikel.
"Manong, d'yan lang po sa may chapel,"
ani damsel, "magtitirik lang po ng candle."
"Brrrrrroooooommmmm!" ang brattle ng makina ng traysikel
habang umiikot ang wheel at axle.
Hindi pa nakakalayo ang kanilang travel
nang "Prrrrrrrrrtttttttt!" ang tunong ng whistle.
Pinahinto ng pulis si Manong Tsuper ng Traysikel.
"Asa'n ang lagay mong nickle?"
pangongotong ng pulis na sobrang cruel.
Para maiwasan ang quarrel at hassle,
binawasan ng kawawang tsuper ng traysikel
ang kinita niyang nickle.
Pagkatapos ng scene sa pulis na sobrang cruel,
tumuloy na ang damsel sa kanyang pagtatravel.
Biglang bumuhos ang drizzle
at nagpawobble-wobble ang traysikel.
Lumusot ang gulong sa mga puddles
kaya kailangang humawak nang mabuti sa handle.
"Saan na ba napunta ang pondong pambili ng gravel?"
bulong ni Manong Tsuper ng Traysikel.
Huminto ang drizzle,
nagpatuloy ang kanilang travel.
Pagkatapos ng lahat ng hassle,
dumating din sila sa chapel in fine fettle.
"Magdarasal na rin ako at magtitirik ng candle,"
sabi ni Manong Tsuper ng Traysikel.
Sa loob ng chapel,
buong taimtim na nagdasal si Manong Tsuper ng Traysikel:
"Diyos ko, wag namang tumaas pa
ang presyo ng isang barrel ng diesel.
Dahil kung tataas pa,
sa sobrang little ng kinikita kong nickle
ang maipapakain ko sa pamilya ko ay puro na lang noodles."
Ang dasal naman ni damsel:
"Pakinggan N'yo po sana ang dasal
ni Manong Tsuper ng Traysikel.
Tapat siyang nagbabanat ng muscle
sa kabila ng kita niyang very little.
----> Marco
Bahala na,kainisaba't ang galeng naman nitong damsel
nakilala ang pagod ni mamang drayber
ilan pa kayang katulad ni damsel
ang may concern para sa kawawang little
pobreng drayber ng ating tricycle.
kung ang buwaya'y dadami sa highway
mag-aangas lagi at magiging cruel
ay inakupo! mhabaging heaven
pakisipa nga sila my god na mahabagin
at sabihin sa hell i-lock sila't panatilihin
i kick their ass kung ako naroon
bahala na kung may baril silang kakatakot
aba'y nagwowork na nga ng maayos
kababayang little na laging kapos
tapos mangongotong pa ay sus ginoo!!
---->rhea
Eto na po ang sagot ng konyotiks na damsel:
Kahanga-hanga naman itong si Ginoong Knight,
Handa siyang magkipag-fight at gawin ang right
Kapag na-sight ang pulis na impolite
Tutulong kay Manong Tsuper sa kanyang plight.
Lalaban with all his might,
At hindi magpapatalo sa kanyang fright!
Marco Liwanag, isa ka talagang light
Ilawan mo kami, bukas ay gawing very bright
Ikaw ang delight sa madilim na night.
Basta write ka lang nang write, alright?
