
dulot ay liwanag sa gabing madilim
tanglaw na lalang ng butihing dios natin
mistulang tanod sa mundo ng lagim
pang-aliw sa pusong may lumbay na angkin.
ganyan ang buwan sa kanyang paghahari
kay inam sa paningin, sa lawak ng langit
sa dugo niyang pang kulay,tila nais ipabatid
"di kita iiwanan sa sandali ng pighati."
kung ang luha sa mata'y magpumilit sumungaw
sa kanya mo ititig iyong mga kalungkutan
iusal ang bigat ng dalamhating pasan
itaos mo ito sa ating maykapal.
sa ganyan mo gawin ang iyong himutok
kung ang mundo mo'y tila ba nagsasalimuot
sa kawalang katarungan paligid ay bantog
sa liwanag nitong buwan gawin mo ang pagdulog.
ngunit kung paghibik ay di na mapigilan
at kailangan mo ng masasandalan
kaibigan,tawagin mo lang ang aking pangalan
tulad ng buwan,ako'y agad paririyan

No comments:
Post a Comment