
may himig lambing itong ihip ng hangin
gabing ang buwan may liwanag na angkin
liwanag na tanglaw,sa mata'y nang-aaliw
ang iyong gandang akin ngang nababatid.
buntong hininga ang pinapawalan
panaginip ata tuwing ika'y pagmamasdan
dito sa malayo ikaw ay tinatanaw
maaari bang sandali,ihinto ng magpakailanman.
paumanhin kung di ako nakikipagsapalaran
ayoko lang kasi hapdi ng puso'y madadagan
sa paano lupa't langit itong ating pagitan,
ihihiling na lang kita sa ating maykapal.
No comments:
Post a Comment