
doon po sa ming bayan ng magiting
mga di palulupig sa bawat tiisin
di napasusuko di naptitigatig
may tibay ng loob may tatag ng dibdib
doon po sa amin may pagtutulungan
lahat may bahagi sa bigat ng pasan
kasamang kikilos magpapakapagal
laging aagapay sa mga hirap ng buhay
sa amin mayroong ngiti sa mga labi
kung batiin ka sa umaga o gabi
at malugod pusong pagkamatuluyin
yaman ng lahi na pinagmamapuri
doon po sa amin ay nakawiwili
ugaling taglay bawat salinlahi
No comments:
Post a Comment