Saturday, February 27, 2010
make stand for you my little boy!
At last one of nickeleodon's animation has come to life
this july the last air bender which is known also as the legend of aang will come unto big screen.
we tag up our own composed music here because we think it is well suited to this film
hope u enjoy our song entitled " FLAWS TO CURE"
music by: Bitter Irony
lyrics by: jesrael rivera,Meljun ocillos, and dream enriquez
Saturday, February 6, 2010
On this tiny miracle ( youtube version)
This song .....is a collaboration with my ever faithful friend,profile organizer and band and personal composer Mr.Jesrael rivera.....
as the song goes...."on this tiny miracle that you belong to me"...i refer to a certain girl that is quite unique....that eventually captured my heart....this one goes to her..thanks for the help Jes!!
Flaws To Cure
bitter irony band performing live the song entitled " flaws to cure" at cupang bulacan
Sunday, January 24, 2010
Tulang panagot 4
Piyesta
August 11, 2009 by ham8113
Hindi nakaligtas ang caviar
sa mata ng mga sanay-sa-bagoong-na suki
ng karinderya. Ang may-ari
gayundin ang humindig; nagdidildil
ang mga parukyano niya sa budget meal
ay nagpapasasa sa Le Cirque
ang pangulo, kasama ang mga kaalyado,
at si Dom Perignon, siguro.
Habang ang bansa ay nagtitiis
at nagluluksa sa libing ng kanyang
mortal na kabaligtaran. Hindi
kailangang maging arkanghel
upang maintindihan ang usapan
sa hapunan. Malamang ay papuri
sa mga tauhan ni Wilde sa wikang
Pranses, maiba-iba naman nang konti.
----> marco
siguro katoto,halina tayo’y maupo
pag-isipan natin ng lubos at totoo
habang sila’y lasing at nagkakagulo
tayo’y kikilos; pagtutulungang ipangko
hanguin nga natin ito sa pagkakasukol
sa tiiising pinagdudusahan magpahanggang ngayon
ng bayang hilahod na’y patuloy pang nilulumpo.
http://www.emanilapoetry.com/writersgroup/index.php/piyesta/

August 11, 2009 by ham8113
Hindi nakaligtas ang caviar
sa mata ng mga sanay-sa-bagoong-na suki
ng karinderya. Ang may-ari
gayundin ang humindig; nagdidildil
ang mga parukyano niya sa budget meal
ay nagpapasasa sa Le Cirque
ang pangulo, kasama ang mga kaalyado,
at si Dom Perignon, siguro.
Habang ang bansa ay nagtitiis
at nagluluksa sa libing ng kanyang
mortal na kabaligtaran. Hindi
kailangang maging arkanghel
upang maintindihan ang usapan
sa hapunan. Malamang ay papuri
sa mga tauhan ni Wilde sa wikang
Pranses, maiba-iba naman nang konti.
----> marco
siguro katoto,halina tayo’y maupo
pag-isipan natin ng lubos at totoo
habang sila’y lasing at nagkakagulo
tayo’y kikilos; pagtutulungang ipangko
hanguin nga natin ito sa pagkakasukol
sa tiiising pinagdudusahan magpahanggang ngayon
ng bayang hilahod na’y patuloy pang nilulumpo.
http://www.emanilapoetry.com/writersgroup/index.php/piyesta/


Tulang panagot 3
Nasa Langit ang Harayang Walang-hanggan
April 13, 2009 by Ezzard R. Gilbang
May *haraya na iginuguhit
ang mga bituin.
May harayang sumisilay
Sa mukha ng buwan.
May harayang binubuo
ang kimpal ng mga ulap.
Kahit katanghaliang tapat
may haraya sa matatalas na sinag
Saglit man na bulagin ng araw,
sa iyong pagpikit
magsasayaw sa balintataw
ang haraya ng liwanag.
*imahinasyon
----> Marco
sagitsit ng tuwang nanulay sa dibdib
malayang awitin sa hangin naririnig
tugon ng puso sa galak di’y aawit
awit ng makatang mayroong panimdim.
http://www.emanilapoetry.com/writersgroup/index.php/nasa-langit-ang-harayang-walang-hanggan/
Tumalon ang Imahen
April 14, 2009 by Ezzard R. Gilbang
Anim na talampakan
ang taas ng konkretong imahen
na inilalabas sa isang bukas na balkonahe.
Taon-taong inilalabas
sa tuwing sasapit ang kapistahan.
Nakatungo ang imahen.
Tinutunghan ang mga naglalakad
sa ibabang daan na nayuyungyungan
ng konkretong beranda na may labinlimang
talampakan ang taas.
Taon-taon itong ginagawa ng may-ari.
Taon-taon, sa tuwing pista.
Ano’t ngayong araw ng kapistahan,
nahulugan nito ang isang batang babae.
Na dagling namatay.
Sabi ng may-ari: Naghimala ang imahen!
----> marco
Sampung demonyo sige sa kakatawa
panay sa ang halakhakang nakakasuya
paano’y andun na naman itong tanga
asa sa milagro ng diyos na nililikha
ngitngit ng langit di inalintana
sa dugo ng musmos na nabubo sa lupa
milagrong antay, nangyari’y trahedya
Ayan ang himala ng imaheng tanga!
KAkaInis! ba’t ba bulag ang madla???
http://www.emanilapoetry.com/writersgroup/index.php/tumulan-ang-imahen/
Sa *Tuklong
April 13, 2009 by Ezzard R. Gilbang
Nagkakagulo sa baryo,
marami ang nagtataka,
dahil nawala ang santo.
Kagagawan ng demonyo,
ang sabi ng nananata,
nagkakagulo sa baryo.
Pintakasi’y nagtatampo
ang sabi ng nagtitika,
dahil nawala ang santo.
Kaya’t magtayo ng bago,
o lumipat ng kapilya.
Nagkakagulo sa baryo.
Kasunod nito ay bagyo,
o sumpang iba’t iba
dahil nawala ang santo.
Ay! Puno ng amorsiko,
lumabas isang umaga!
Nagkakagulo sa baryo
dahil lumitaw ang santo!
* bisita, kapilya
----> marco
Sa aming bayan palasak yang kwento
ng nagmimilagrong santong negro
mga engkanto,maligno’t,demonyo
sa kanya raw ay takot nagyuyuko pa ng ulo
kaya pala nagkaganoon baranggay namin katoto
sa takot sa negro napuno ng maligno
engkanto sa dilim naglisaw sa kanto
pati mga demonyo,naroon sa gobyerno.
ayos!
http://www.emanilapoetry.com/writersgroup/index.php/sa-tuklong-2-2/


isa sa mga iniidolo kong manunula si ka ezzard gilbang
April 13, 2009 by Ezzard R. Gilbang
May *haraya na iginuguhit
ang mga bituin.
May harayang sumisilay
Sa mukha ng buwan.
May harayang binubuo
ang kimpal ng mga ulap.
Kahit katanghaliang tapat
may haraya sa matatalas na sinag
Saglit man na bulagin ng araw,
sa iyong pagpikit
magsasayaw sa balintataw
ang haraya ng liwanag.
*imahinasyon
----> Marco
sagitsit ng tuwang nanulay sa dibdib
malayang awitin sa hangin naririnig
tugon ng puso sa galak di’y aawit
awit ng makatang mayroong panimdim.
http://www.emanilapoetry.com/writersgroup/index.php/nasa-langit-ang-harayang-walang-hanggan/
Tumalon ang Imahen
April 14, 2009 by Ezzard R. Gilbang
Anim na talampakan
ang taas ng konkretong imahen
na inilalabas sa isang bukas na balkonahe.
Taon-taong inilalabas
sa tuwing sasapit ang kapistahan.
Nakatungo ang imahen.
Tinutunghan ang mga naglalakad
sa ibabang daan na nayuyungyungan
ng konkretong beranda na may labinlimang
talampakan ang taas.
Taon-taon itong ginagawa ng may-ari.
Taon-taon, sa tuwing pista.
Ano’t ngayong araw ng kapistahan,
nahulugan nito ang isang batang babae.
Na dagling namatay.
Sabi ng may-ari: Naghimala ang imahen!
----> marco
Sampung demonyo sige sa kakatawa
panay sa ang halakhakang nakakasuya
paano’y andun na naman itong tanga
asa sa milagro ng diyos na nililikha
ngitngit ng langit di inalintana
sa dugo ng musmos na nabubo sa lupa
milagrong antay, nangyari’y trahedya
Ayan ang himala ng imaheng tanga!
KAkaInis! ba’t ba bulag ang madla???
http://www.emanilapoetry.com/writersgroup/index.php/tumulan-ang-imahen/
Sa *Tuklong
April 13, 2009 by Ezzard R. Gilbang
Nagkakagulo sa baryo,
marami ang nagtataka,
dahil nawala ang santo.
Kagagawan ng demonyo,
ang sabi ng nananata,
nagkakagulo sa baryo.
Pintakasi’y nagtatampo
ang sabi ng nagtitika,
dahil nawala ang santo.
Kaya’t magtayo ng bago,
o lumipat ng kapilya.
Nagkakagulo sa baryo.
Kasunod nito ay bagyo,
o sumpang iba’t iba
dahil nawala ang santo.
Ay! Puno ng amorsiko,
lumabas isang umaga!
Nagkakagulo sa baryo
dahil lumitaw ang santo!
* bisita, kapilya
----> marco
Sa aming bayan palasak yang kwento
ng nagmimilagrong santong negro
mga engkanto,maligno’t,demonyo
sa kanya raw ay takot nagyuyuko pa ng ulo
kaya pala nagkaganoon baranggay namin katoto
sa takot sa negro napuno ng maligno
engkanto sa dilim naglisaw sa kanto
pati mga demonyo,naroon sa gobyerno.
ayos!
http://www.emanilapoetry.com/writersgroup/index.php/sa-tuklong-2-2/

isa sa mga iniidolo kong manunula si ka ezzard gilbang
Wednesday, January 20, 2010
Monday, January 11, 2010
Tulang panagot part 2
Tinta
ni sanilyn gianan
bakit nanghihinayang ako?
sa dumi ng tinta sa iyong baro
nagkalat-kalat ang itim
sa kanina lang puti mong kwelyo.
bakit gusto kong linisin
ang mga papel na buringisin
na tangan mo sa mesa
simula umaga 'gang takipsilim?
bakit kasi ako ang maayos
sa magulo mong mundo
at ako ang tuwid
sa baliko mong isip.
ngunit di ko maikakaila
na sa iyong tula, napaibig.
kahit walang kanin ang maabot
sa aking bibig.
at kahit magkagula-gulanit
ang kwarto mong maliit
sa pagsusulat ng mga musa ng pag-ibig
dahil doon may hininga ka, may tinatagumpay pilit
kaya't isasalansan ko pa rin
mga papel na tangan ang iyong obra
tatanggalin ang patak ng tinta sa damit
ngunit hinding hindi ang tinta ng iyong pag-asa
na bukas makalawa
malilimbag sila
at mapapasaiyo rin ang Palanca.
----> Marco
pangarap kahit na mapasa rurok pa man
nung mataas na ulap na tinatanaw
walang pasubaling kayang magagap
buong loob lamang ang ating kailangan
salamat may tulad mong nakauunawa
sa tulay na binubuo ng manggagawang makata
na nakakakita ng walang maliw na ligaya
sa likod ng dilim naroroon ang laya
sarap siguro makapag asawa ng makata ano?? hehehe
tula ng tula sabi ni tata
Wish ko lang
ni guru pitka (fw member )
Hiling ko lagi ang mapasaya ka
walang ibang iniisip kundi ang madulutan ka ng tuwa
Biloy sa iyong pisngi, ngiti sa iyong mga labi
Inaasam kong makita sa ‘yo yan palagi
‘Yoko nang maranasan mo ang sakit mung nadama
Di ako papayag na ang pagluha ay muli mong matamasa
Di na mangyayari sa yo ang ginawa ng ex mo na walang kwenta
Andito na ko, ang sa iyo’y laging magmamahal at mag-aalaga
Sa totoo lang hindi ko alam ang aking gagawin
Hindi ko din alam kung paano ko uumpisahan
Kaya ko bang ang hapdi at kirot sa puso mo ay alisin?
Yan ang tanong na lumilipad sa aking isipan…
Ang alam ko lang mahal kita, ikaw ang laman ng puso ko
Kung bubusisiin ito, makikita mo ikaw ang nasa loob nito
Pumikit ka man, tiyak mararamdaman mo
Pagmamahal na wagas, yan ang alay ko sa iyo
Ako ang magpapahid ng luha sa iyong mata
Magpapagaan ng pakiramdamdam mo sa tuwi-tuwina
Di ako titigil, di ako magsasawa hanggang makapag-move-on ka
Hanggang makalimutan mo na siya at sabihin na "Ako'y O.K. na!"
Hindi na ako mangangako bagkus gagawin ko na lng
Hindi ito mapapako, ipaparamdam ko na lang
ang pag-ibig ko sa iyo na tapat at totoo,
Sana ngayon ay tanggapin mo….
----> Marco
basta ang pagsintang tapat at totoo
pag iyong pinairal sa puso mo katoto
hayaan mo ano man maganap sa mundo
tiyak tagumpay ang makakamit mo
at kung hindi man dumating ang matamis na sandali
at itong iniirog mo'y di ka ata mapansin
hayaan mo nakikiramay sanlibong taong langit
iluha mo't didinggin ka maghuhulog ng pamalit
----> guru pitka
SALAMAT SA LIWANAG
salamat at naramdaman mo aking daing
naintindihan ang nilalaman at ang gusto kong iparating
sana tagumpay nga ang aking makamit
para mafeel ko ang langit..
para maramdaman ko na ako'y nasa alapaap
at magkaroon ako ng buhay na walang humpay sa sarap
sana magkatotoo, eto ang aking pangarap
upang siya na ang makasama ko sa hinaharap....
---- pasintabi kay guru pitka sa pagkakalathala nito dito
ni sanilyn gianan
bakit nanghihinayang ako?
sa dumi ng tinta sa iyong baro
nagkalat-kalat ang itim
sa kanina lang puti mong kwelyo.
bakit gusto kong linisin
ang mga papel na buringisin
na tangan mo sa mesa
simula umaga 'gang takipsilim?
bakit kasi ako ang maayos
sa magulo mong mundo
at ako ang tuwid
sa baliko mong isip.
ngunit di ko maikakaila
na sa iyong tula, napaibig.
kahit walang kanin ang maabot
sa aking bibig.
at kahit magkagula-gulanit
ang kwarto mong maliit
sa pagsusulat ng mga musa ng pag-ibig
dahil doon may hininga ka, may tinatagumpay pilit
kaya't isasalansan ko pa rin
mga papel na tangan ang iyong obra
tatanggalin ang patak ng tinta sa damit
ngunit hinding hindi ang tinta ng iyong pag-asa
na bukas makalawa
malilimbag sila
at mapapasaiyo rin ang Palanca.
----> Marco
pangarap kahit na mapasa rurok pa man
nung mataas na ulap na tinatanaw
walang pasubaling kayang magagap
buong loob lamang ang ating kailangan
salamat may tulad mong nakauunawa
sa tulay na binubuo ng manggagawang makata
na nakakakita ng walang maliw na ligaya
sa likod ng dilim naroroon ang laya
sarap siguro makapag asawa ng makata ano?? hehehe
tula ng tula sabi ni tata
Wish ko lang
ni guru pitka (fw member )
Hiling ko lagi ang mapasaya ka
walang ibang iniisip kundi ang madulutan ka ng tuwa
Biloy sa iyong pisngi, ngiti sa iyong mga labi
Inaasam kong makita sa ‘yo yan palagi
‘Yoko nang maranasan mo ang sakit mung nadama
Di ako papayag na ang pagluha ay muli mong matamasa
Di na mangyayari sa yo ang ginawa ng ex mo na walang kwenta
Andito na ko, ang sa iyo’y laging magmamahal at mag-aalaga
Sa totoo lang hindi ko alam ang aking gagawin
Hindi ko din alam kung paano ko uumpisahan
Kaya ko bang ang hapdi at kirot sa puso mo ay alisin?
Yan ang tanong na lumilipad sa aking isipan…
Ang alam ko lang mahal kita, ikaw ang laman ng puso ko
Kung bubusisiin ito, makikita mo ikaw ang nasa loob nito
Pumikit ka man, tiyak mararamdaman mo
Pagmamahal na wagas, yan ang alay ko sa iyo
Ako ang magpapahid ng luha sa iyong mata
Magpapagaan ng pakiramdamdam mo sa tuwi-tuwina
Di ako titigil, di ako magsasawa hanggang makapag-move-on ka
Hanggang makalimutan mo na siya at sabihin na "Ako'y O.K. na!"
Hindi na ako mangangako bagkus gagawin ko na lng
Hindi ito mapapako, ipaparamdam ko na lang
ang pag-ibig ko sa iyo na tapat at totoo,
Sana ngayon ay tanggapin mo….
----> Marco
basta ang pagsintang tapat at totoo
pag iyong pinairal sa puso mo katoto
hayaan mo ano man maganap sa mundo
tiyak tagumpay ang makakamit mo
at kung hindi man dumating ang matamis na sandali
at itong iniirog mo'y di ka ata mapansin
hayaan mo nakikiramay sanlibong taong langit
iluha mo't didinggin ka maghuhulog ng pamalit
----> guru pitka
SALAMAT SA LIWANAG
salamat at naramdaman mo aking daing
naintindihan ang nilalaman at ang gusto kong iparating
sana tagumpay nga ang aking makamit
para mafeel ko ang langit..
para maramdaman ko na ako'y nasa alapaap
at magkaroon ako ng buhay na walang humpay sa sarap
sana magkatotoo, eto ang aking pangarap
upang siya na ang makasama ko sa hinaharap....
---- pasintabi kay guru pitka sa pagkakalathala nito dito
Tulang panagot part 1
istasyon 1
ni princesa talulot
--isang tula sa filipinowriter blog na nakatuwaan kong sagutin
sumang-ayon na ako,
sa pagkawala mo
NGUNIT ipinilit mo pa
ring bumalik sa
istasyong ito
ng walang dalang maleta,
walang dala
-kundi poot
at paninira..
mas matalim ang dila
kaysa sa punyal.
mas marami pang magbabaon
ng balaraw na putol
kung mananatilika ngayon.
Doon ka nalang sa inyong nayon..
magpakahinahon.
ngunit ngayon walang pasubali
kong hihilingin, bago maghimagsik,
"WAG KA NANG BUMALIK!"
----> (marco)
sandali't ating pakaguluhin
bago maghimagsik ang inisin;
musmos na batang iyakin
halika dito at may kakanin
heto si inday na buslo'y butas
sahod ang palad ng dalawang kamay
ano kayang nag-aantay bukas
sa istasyong sa pakiwari'y karo ng patay!
ayun si kaka hehehehe!!!!
magulo ata kamakata!
---->(talulot)
salamat naman at bumalik
isang binata
pagkamakata ang hilig
salamat sa panandaling
patigilin sa iyak
ang neneng gustong kumain ng
kakanin...
(pero mas gusto ko ang pisbols at palamig..)
----> (marco)
salamat naman at bumalik
isang binata
pagkamakata ang hilig
salamat sa panandaling
patigilin sa iyak
ang neneng gustong kumain ng
kakanin...
(pero mas gusto ko ang pisbols at palamig..)
----> (talulot)
sa'yo aking katoto
ang pagdaan mo'y di nakakapagpabigo
paraan mong magtampisaw
sa sa tulaang nais humiyaw.
salamat sa pagtahan
panulaan mo'y nakagagaan.
sige kwek kwek din... =)


rhea,tanaga din ba??
Buksan ang telebisyon
Umupo sa maghapon
Nangangating ilong
‘Pakamot sa katulong.
Dumulog na sa mesa
Ulam ay kaldereta
Hindi pa dumidighay
Ini’sip ng meryenda.
Sindihan’g sigarilyo
Philip, More o Marlboro
Ibuga’y hugis-puso
Ang sarap ng buhay mo!
Katapusan ng buwan
Pumunta sa bayan
Mag-widrow sa bangko
Salamat sa OFW.
Kawawang Asawa
Labis ang pagalala
Perang ipinadala
Kinulang pa kaya?
Kumakain mag-isa
Ulam ay pagdurusa
Umiinom ng luha
Nabusog ng pag-asa.
Tumunog na cellphone
Dibdib ay umaalon
Mahal na asawa
Binuntis ng katulong.
----> (MARCO)
aba'y biruin mo ito'y kahanga hanga
maiging ipalakpak itong kamay sa tuwa
sa tanagang mahusay na naipasa
si liwanag talagang napapatanga
----> (JOURNEYMAN)
Ang galing, ang galing!
Munting liwanag ko’y napansin
Ngunit kung ihahambing
Sa liwanag mong angkin
Ang sa akin ay bitin.
Salamat sa pagdaan at pag-ukol ng panahon sa aking munting nakayanan...


Tanagang Para Sa 'Yo
ni sofia (fw member)
Kasing-liit ng kuto
Tingin ni Kadyo sa’yo
Lagi ng nabibigo
Minimithing respeto.
Pagkutya at mura nya,
Ika’y nawang-nawa na
Puso mong umaasang
Bukas magbabago sya.
Puso ay ipahinga
Puso mong nagdurusa
Halika at magbasa
Nakayanang tanaga.
Kalimutan mo na sya
Humanap ka ng iba
Habang may respeto ka
Sa sarili mo,Nena.
Hangad ko sa yo twina
Walang hanggang ligaya
Iyong makamit sana
Nang ikaw ay sumaya.
Nagbabakasakali
Sa tanaga mawili
Yung buraot mapawi
Mapalitan ng ngiti.
----> (marco)
tuloy lang sa paggawa
ng tanagang katuwa
diwa'y aliwing lubha
malugod at matuwa
mapuno man ng lungkot
at hilahil ang mundo
hindi tayo susuko
makatang narahuyoYell
sikat ang tanaga dito sa FW ah hehehhee
----> (sofia)
salamat sa pagdaan,
tanaga ko’y nasilayan
akin lang sinubukan
kaalamang natuklasan.
----> (marco)
tuloy sa tanaga:
at siguro nabatid
itong hiwagang hatid
bagong kaalaman mo
ay nawa pagyamanin.
tulang sagot:
halika't ating tunguhing maagap
kahiwagaan nitong ating kakayahan
mapaglapit ang lupa,langit,kalawakan
sa yamang busiksik yaman ng diwang taglay!
kakayahan natin ay lubos kakaiba
kayang abutin kahit yaong mga tala
ipaliwanag ang sidhing nadarama
luha'y kayang pabukaling masagana
at kung dugo at pluma'y nag-isa
sa pagnanais ng diwang malaya
iyo ngang isatitik bubukal ang hiwaga
resulta'y lubos na kahanga-hanga
----> (sofia)
Wala ng masasabi pa
Sa iyong pagiging makata
Lahat ng sagot mo'y patula
Pati tuloy ako'y napapatula.
Hihihi...nakakatuwang aliwin ang sarili sa paggawa ng tula.


Mahirap Magmakata
ni geneva1027 (fw member)
(Mata ay nagmamasid
Sa buong paligid
Nagbabakasakaling
Mayroong masambit.)
----> (marco)
sandali mong ipikit ang iyong mata
ang daluyong na sa dibdib madarama
kapag naapuhap wag hayaang makawala
gagaping mong maigi't aanihi'y tuwa
tula'y maisasalin mapupuno ka ng tuwa.
~---> isa pang tula sa mga blog ng filipinowriter site na napagkatuwaan kong sagutin (pasintabi po kay geneva)
Kapalit Ng Dolyar
ni kapatid na journeyman
Sa Taiwan ay may
Titser
na naghihintay
naghihintay
sa bilangguan
ng kanyang kamatayan
kanyang kamatayan.
Noong isang linggo naman ay
may binitay
binitay
sa Saudi Arabia
Tatlo pang Filipino
ang naka-linya sa bitay
sa bitay
at tatlo rin ang may
sampung taon na sintensya
sampung taong
sintensiya.
Ito ang mga trahedya
na sinusuong
trahedyang sinusuong
ng mga Filipino
na nangingibang bansa para magtrabaho
mag-trabaho.
Ang hirap sa kanilang kalagayan
hirap na kalagayan
wala kang kalaban-laban
wala kang kamag-anak
wala kang mga kaibigan
na tutulong sa iyo
walang tutulong sa iyo.
Ang dami ng nakaka-bagbag
nakaka-bagbag na damdaming
kuwento
ng ating mga kababayang OFW
OFW
ngunit ang nakakalungkot
nakakalungkot
kahit ganun ka miserable ang buhay nila
miserable ang buhay nila
ayaw nilang umuwi
dahil mas mahirap ang buhay
mas mahirap
ang buhay
mahirap ang buhay dito.
----> (marco)
sa kalansing ng salapi
ay natutok na lang
itong pandinig ng mga hibang
gobyerno nating akala'y yaman
ang pagdating sa atin ng santerbang dolyar
ikauunlad daw nitong kababayan
at ng masang hilahod na sa kagagapang
un nga lang itong mga palalong dayuhan
kababaya'y inalipin,inaba pa ng lubusan
kababayan nating ang mata'y luhaan
may maipakain lang sa mga minamahal.


ULIRAT ni paul roquia
pumikit.
umidlip.
dumilat.
ulirat.
pumikit.
umidlip.
dumilat.
ulirat.
pumikit.
umidlip.
dumilat.
ulirat.
humikab.
inantok.
pumikit.
umidlip.
dumilat.
ulirat.
pumikit.
dumikit.
binangungot.
patay.
----> (marco)
Patay na???
kung bakit pa kasi mata nitong antukin
di magkasya sa pananatili
sa mundong katotohanan ang syang hain
maskit nga lang sa dibdib kung iisipin.
inakupoooooooooooo!!!!!!!!!!!!!!!


Ito pala ang Kilig*
ni mary jane grueso (fw member)
he he...
akala ko'y isa ka lamang
kathang isip
na binuo ng mga makatang sinauna
o ng mga taong
mabababaw.
kung ganun,
mababaw rin pala ako.
he he..
di ko naisip na
maari ring ako'y maging biktima
akala ko,
ang meron ako'y pusong bato
na kahit si brad pitt
ay di makakayang tiktikin
ni mapapipintig ng mga ngiting piolo.
he he...
sabi nila bading daw si piolo
kahit na, gwapo pa rin siya
saka natalo naman
ang mga titik ni lolit solis
kaya pwede pa ring
pagpantasyahan ang ngiting piolo
pero ni minsan di ko naisip yun.
he he...
akala ko hanggang edad kim chiu
lang ang pwedeng tamaan,
ang pwedeng lumundag-lundag
ang puso na para bang
sasabog, pero di naman
na para bang mabigat
pero di naman.
he he...
ganito pala yun,
mahirap ipaliwanag
pero masaya, kahit walang nakakatawa
ngingiti-ngiti kahit walang kausap
parang baliw pero hinde naman
parang nanlalambot
pero di naman.
he he...
ang gulo, pero masaya
sana tumagal, sana nakatokan na nga
ang puso ko na dati
di natitinag, independiente
akala ko'y tama lang
kumpleto na, di kailangan ang kilig
di pala.
he he...
masaya pala
kahit mahirap ipaliwanag,
kahit bukas maaaring mawala
at mapalitan ng paghikbi,
pero okay lang
basta naranasan ko minsan
ganito pala ang kilig.
he he...
----> (Marco)
ALA CGE
aba't ang nene ng matutong umibig
di ata mapigilan pitlag ng puso sa dibdib
hinahon di magawa kapag palapit
sinisilayang sinta sa kanyang paningin
ano ba't nahuhulog ata sanlibong bituin
paligid napupuno ng bulaklak pang hardin
umuulan ng mga niebe kahit di taglamig
giniginaw ng di malaman ewan nga ba kung bakit?
----> (mary jane grueso)
he he...
bakit nga ba? di ko rin alam
ang sagot talagang mahirap hagilapin
lalo na kung di naman nakikita
ni nahahawakan...
mahirap talaga pag damdamin
ay di sinadya pero nadadamay


Manong Tsuper ng Traysikel
ni rhea stone
Ito ang kwento ng isang damsel
na sumakay ng traysikel:
Minsan may pumarang damsel
na may dalang mabigat na bundle
kay Manong Tsuper ng Traysikel.
"Manong, d'yan lang po sa may chapel,"
ani damsel, "magtitirik lang po ng candle."
"Brrrrrroooooommmmm!" ang brattle ng makina ng traysikel
habang umiikot ang wheel at axle.
Hindi pa nakakalayo ang kanilang travel
nang "Prrrrrrrrrtttttttt!" ang tunong ng whistle.
Pinahinto ng pulis si Manong Tsuper ng Traysikel.
"Asa'n ang lagay mong nickle?"
pangongotong ng pulis na sobrang cruel.
Para maiwasan ang quarrel at hassle,
binawasan ng kawawang tsuper ng traysikel
ang kinita niyang nickle.
Pagkatapos ng scene sa pulis na sobrang cruel,
tumuloy na ang damsel sa kanyang pagtatravel.
Biglang bumuhos ang drizzle
at nagpawobble-wobble ang traysikel.
Lumusot ang gulong sa mga puddles
kaya kailangang humawak nang mabuti sa handle.
"Saan na ba napunta ang pondong pambili ng gravel?"
bulong ni Manong Tsuper ng Traysikel.
Huminto ang drizzle,
nagpatuloy ang kanilang travel.
Pagkatapos ng lahat ng hassle,
dumating din sila sa chapel in fine fettle.
"Magdarasal na rin ako at magtitirik ng candle,"
sabi ni Manong Tsuper ng Traysikel.
Sa loob ng chapel,
buong taimtim na nagdasal si Manong Tsuper ng Traysikel:
"Diyos ko, wag namang tumaas pa
ang presyo ng isang barrel ng diesel.
Dahil kung tataas pa,
sa sobrang little ng kinikita kong nickle
ang maipapakain ko sa pamilya ko ay puro na lang noodles."
Ang dasal naman ni damsel:
"Pakinggan N'yo po sana ang dasal
ni Manong Tsuper ng Traysikel.
Tapat siyang nagbabanat ng muscle
sa kabila ng kita niyang very little.
----> Marco
Bahala na,kainis
aba't ang galeng naman nitong damsel
nakilala ang pagod ni mamang drayber
ilan pa kayang katulad ni damsel
ang may concern para sa kawawang little
pobreng drayber ng ating tricycle.
kung ang buwaya'y dadami sa highway
mag-aangas lagi at magiging cruel
ay inakupo! mhabaging heaven
pakisipa nga sila my god na mahabagin
at sabihin sa hell i-lock sila't panatilihin
i kick their ass kung ako naroon
bahala na kung may baril silang kakatakot
aba'y nagwowork na nga ng maayos
kababayang little na laging kapos
tapos mangongotong pa ay sus ginoo!!
---->rhea
Eto na po ang sagot ng konyotiks na damsel:
Kahanga-hanga naman itong si Ginoong Knight,
Handa siyang magkipag-fight at gawin ang right
Kapag na-sight ang pulis na impolite
Tutulong kay Manong Tsuper sa kanyang plight.
Lalaban with all his might,
At hindi magpapatalo sa kanyang fright!
Marco Liwanag, isa ka talagang light
Ilawan mo kami, bukas ay gawing very bright
Ikaw ang delight sa madilim na night.
Basta write ka lang nang write, alright?

ni princesa talulot
--isang tula sa filipinowriter blog na nakatuwaan kong sagutin
sumang-ayon na ako,
sa pagkawala mo
NGUNIT ipinilit mo pa
ring bumalik sa
istasyong ito
ng walang dalang maleta,
walang dala
-kundi poot
at paninira..
mas matalim ang dila
kaysa sa punyal.
mas marami pang magbabaon
ng balaraw na putol
kung mananatilika ngayon.
Doon ka nalang sa inyong nayon..
magpakahinahon.
ngunit ngayon walang pasubali
kong hihilingin, bago maghimagsik,
"WAG KA NANG BUMALIK!"
----> (marco)
sandali't ating pakaguluhin
bago maghimagsik ang inisin;
musmos na batang iyakin
halika dito at may kakanin
heto si inday na buslo'y butas
sahod ang palad ng dalawang kamay
ano kayang nag-aantay bukas
sa istasyong sa pakiwari'y karo ng patay!
ayun si kaka hehehehe!!!!
magulo ata kamakata!
---->(talulot)
salamat naman at bumalik
isang binata
pagkamakata ang hilig
salamat sa panandaling
patigilin sa iyak
ang neneng gustong kumain ng
kakanin...
(pero mas gusto ko ang pisbols at palamig..)
----> (marco)
salamat naman at bumalik
isang binata
pagkamakata ang hilig
salamat sa panandaling
patigilin sa iyak
ang neneng gustong kumain ng
kakanin...
(pero mas gusto ko ang pisbols at palamig..)
----> (talulot)
sa'yo aking katoto
ang pagdaan mo'y di nakakapagpabigo
paraan mong magtampisaw
sa sa tulaang nais humiyaw.
salamat sa pagtahan
panulaan mo'y nakagagaan.
sige kwek kwek din... =)


rhea,tanaga din ba??
Buksan ang telebisyon
Umupo sa maghapon
Nangangating ilong
‘Pakamot sa katulong.
Dumulog na sa mesa
Ulam ay kaldereta
Hindi pa dumidighay
Ini’sip ng meryenda.
Sindihan’g sigarilyo
Philip, More o Marlboro
Ibuga’y hugis-puso
Ang sarap ng buhay mo!
Katapusan ng buwan
Pumunta sa bayan
Mag-widrow sa bangko
Salamat sa OFW.
Kawawang Asawa
Labis ang pagalala
Perang ipinadala
Kinulang pa kaya?
Kumakain mag-isa
Ulam ay pagdurusa
Umiinom ng luha
Nabusog ng pag-asa.
Tumunog na cellphone
Dibdib ay umaalon
Mahal na asawa
Binuntis ng katulong.
----> (MARCO)
aba'y biruin mo ito'y kahanga hanga
maiging ipalakpak itong kamay sa tuwa
sa tanagang mahusay na naipasa
si liwanag talagang napapatanga
----> (JOURNEYMAN)
Ang galing, ang galing!
Munting liwanag ko’y napansin
Ngunit kung ihahambing
Sa liwanag mong angkin
Ang sa akin ay bitin.
Salamat sa pagdaan at pag-ukol ng panahon sa aking munting nakayanan...

Tanagang Para Sa 'Yo
ni sofia (fw member)
Kasing-liit ng kuto
Tingin ni Kadyo sa’yo
Lagi ng nabibigo
Minimithing respeto.
Pagkutya at mura nya,
Ika’y nawang-nawa na
Puso mong umaasang
Bukas magbabago sya.
Puso ay ipahinga
Puso mong nagdurusa
Halika at magbasa
Nakayanang tanaga.
Kalimutan mo na sya
Humanap ka ng iba
Habang may respeto ka
Sa sarili mo,Nena.
Hangad ko sa yo twina
Walang hanggang ligaya
Iyong makamit sana
Nang ikaw ay sumaya.
Nagbabakasakali
Sa tanaga mawili
Yung buraot mapawi
Mapalitan ng ngiti.
----> (marco)
tuloy lang sa paggawa
ng tanagang katuwa
diwa'y aliwing lubha
malugod at matuwa
mapuno man ng lungkot
at hilahil ang mundo
hindi tayo susuko
makatang narahuyoYell
sikat ang tanaga dito sa FW ah hehehhee
----> (sofia)
salamat sa pagdaan,
tanaga ko’y nasilayan
akin lang sinubukan
kaalamang natuklasan.
----> (marco)
tuloy sa tanaga:
at siguro nabatid
itong hiwagang hatid
bagong kaalaman mo
ay nawa pagyamanin.
tulang sagot:
halika't ating tunguhing maagap
kahiwagaan nitong ating kakayahan
mapaglapit ang lupa,langit,kalawakan
sa yamang busiksik yaman ng diwang taglay!
kakayahan natin ay lubos kakaiba
kayang abutin kahit yaong mga tala
ipaliwanag ang sidhing nadarama
luha'y kayang pabukaling masagana
at kung dugo at pluma'y nag-isa
sa pagnanais ng diwang malaya
iyo ngang isatitik bubukal ang hiwaga
resulta'y lubos na kahanga-hanga
----> (sofia)
Wala ng masasabi pa
Sa iyong pagiging makata
Lahat ng sagot mo'y patula
Pati tuloy ako'y napapatula.
Hihihi...nakakatuwang aliwin ang sarili sa paggawa ng tula.


Mahirap Magmakata
ni geneva1027 (fw member)
(Mata ay nagmamasid
Sa buong paligid
Nagbabakasakaling
Mayroong masambit.)
----> (marco)
sandali mong ipikit ang iyong mata
ang daluyong na sa dibdib madarama
kapag naapuhap wag hayaang makawala
gagaping mong maigi't aanihi'y tuwa
tula'y maisasalin mapupuno ka ng tuwa.
~---> isa pang tula sa mga blog ng filipinowriter site na napagkatuwaan kong sagutin (pasintabi po kay geneva)
Kapalit Ng Dolyar
ni kapatid na journeyman
Sa Taiwan ay may
Titser
na naghihintay
naghihintay
sa bilangguan
ng kanyang kamatayan
kanyang kamatayan.
Noong isang linggo naman ay
may binitay
binitay
sa Saudi Arabia
Tatlo pang Filipino
ang naka-linya sa bitay
sa bitay
at tatlo rin ang may
sampung taon na sintensya
sampung taong
sintensiya.
Ito ang mga trahedya
na sinusuong
trahedyang sinusuong
ng mga Filipino
na nangingibang bansa para magtrabaho
mag-trabaho.
Ang hirap sa kanilang kalagayan
hirap na kalagayan
wala kang kalaban-laban
wala kang kamag-anak
wala kang mga kaibigan
na tutulong sa iyo
walang tutulong sa iyo.
Ang dami ng nakaka-bagbag
nakaka-bagbag na damdaming
kuwento
ng ating mga kababayang OFW
OFW
ngunit ang nakakalungkot
nakakalungkot
kahit ganun ka miserable ang buhay nila
miserable ang buhay nila
ayaw nilang umuwi
dahil mas mahirap ang buhay
mas mahirap
ang buhay
mahirap ang buhay dito.
----> (marco)
sa kalansing ng salapi
ay natutok na lang
itong pandinig ng mga hibang
gobyerno nating akala'y yaman
ang pagdating sa atin ng santerbang dolyar
ikauunlad daw nitong kababayan
at ng masang hilahod na sa kagagapang
un nga lang itong mga palalong dayuhan
kababaya'y inalipin,inaba pa ng lubusan
kababayan nating ang mata'y luhaan
may maipakain lang sa mga minamahal.

ULIRAT ni paul roquia
pumikit.
umidlip.
dumilat.
ulirat.
pumikit.
umidlip.
dumilat.
ulirat.
pumikit.
umidlip.
dumilat.
ulirat.
humikab.
inantok.
pumikit.
umidlip.
dumilat.
ulirat.
pumikit.
dumikit.
binangungot.
patay.
----> (marco)
Patay na???
kung bakit pa kasi mata nitong antukin
di magkasya sa pananatili
sa mundong katotohanan ang syang hain
maskit nga lang sa dibdib kung iisipin.
inakupoooooooooooo!!!!!!!!!!!!!!!


Ito pala ang Kilig*
ni mary jane grueso (fw member)
he he...
akala ko'y isa ka lamang
kathang isip
na binuo ng mga makatang sinauna
o ng mga taong
mabababaw.
kung ganun,
mababaw rin pala ako.
he he..
di ko naisip na
maari ring ako'y maging biktima
akala ko,
ang meron ako'y pusong bato
na kahit si brad pitt
ay di makakayang tiktikin
ni mapapipintig ng mga ngiting piolo.
he he...
sabi nila bading daw si piolo
kahit na, gwapo pa rin siya
saka natalo naman
ang mga titik ni lolit solis
kaya pwede pa ring
pagpantasyahan ang ngiting piolo
pero ni minsan di ko naisip yun.
he he...
akala ko hanggang edad kim chiu
lang ang pwedeng tamaan,
ang pwedeng lumundag-lundag
ang puso na para bang
sasabog, pero di naman
na para bang mabigat
pero di naman.
he he...
ganito pala yun,
mahirap ipaliwanag
pero masaya, kahit walang nakakatawa
ngingiti-ngiti kahit walang kausap
parang baliw pero hinde naman
parang nanlalambot
pero di naman.
he he...
ang gulo, pero masaya
sana tumagal, sana nakatokan na nga
ang puso ko na dati
di natitinag, independiente
akala ko'y tama lang
kumpleto na, di kailangan ang kilig
di pala.
he he...
masaya pala
kahit mahirap ipaliwanag,
kahit bukas maaaring mawala
at mapalitan ng paghikbi,
pero okay lang
basta naranasan ko minsan
ganito pala ang kilig.
he he...
----> (Marco)
ALA CGE
aba't ang nene ng matutong umibig
di ata mapigilan pitlag ng puso sa dibdib
hinahon di magawa kapag palapit
sinisilayang sinta sa kanyang paningin
ano ba't nahuhulog ata sanlibong bituin
paligid napupuno ng bulaklak pang hardin
umuulan ng mga niebe kahit di taglamig
giniginaw ng di malaman ewan nga ba kung bakit?
----> (mary jane grueso)
he he...
bakit nga ba? di ko rin alam
ang sagot talagang mahirap hagilapin
lalo na kung di naman nakikita
ni nahahawakan...
mahirap talaga pag damdamin
ay di sinadya pero nadadamay


Manong Tsuper ng Traysikel
ni rhea stone
Ito ang kwento ng isang damsel
na sumakay ng traysikel:
Minsan may pumarang damsel
na may dalang mabigat na bundle
kay Manong Tsuper ng Traysikel.
"Manong, d'yan lang po sa may chapel,"
ani damsel, "magtitirik lang po ng candle."
"Brrrrrroooooommmmm!" ang brattle ng makina ng traysikel
habang umiikot ang wheel at axle.
Hindi pa nakakalayo ang kanilang travel
nang "Prrrrrrrrrtttttttt!" ang tunong ng whistle.
Pinahinto ng pulis si Manong Tsuper ng Traysikel.
"Asa'n ang lagay mong nickle?"
pangongotong ng pulis na sobrang cruel.
Para maiwasan ang quarrel at hassle,
binawasan ng kawawang tsuper ng traysikel
ang kinita niyang nickle.
Pagkatapos ng scene sa pulis na sobrang cruel,
tumuloy na ang damsel sa kanyang pagtatravel.
Biglang bumuhos ang drizzle
at nagpawobble-wobble ang traysikel.
Lumusot ang gulong sa mga puddles
kaya kailangang humawak nang mabuti sa handle.
"Saan na ba napunta ang pondong pambili ng gravel?"
bulong ni Manong Tsuper ng Traysikel.
Huminto ang drizzle,
nagpatuloy ang kanilang travel.
Pagkatapos ng lahat ng hassle,
dumating din sila sa chapel in fine fettle.
"Magdarasal na rin ako at magtitirik ng candle,"
sabi ni Manong Tsuper ng Traysikel.
Sa loob ng chapel,
buong taimtim na nagdasal si Manong Tsuper ng Traysikel:
"Diyos ko, wag namang tumaas pa
ang presyo ng isang barrel ng diesel.
Dahil kung tataas pa,
sa sobrang little ng kinikita kong nickle
ang maipapakain ko sa pamilya ko ay puro na lang noodles."
Ang dasal naman ni damsel:
"Pakinggan N'yo po sana ang dasal
ni Manong Tsuper ng Traysikel.
Tapat siyang nagbabanat ng muscle
sa kabila ng kita niyang very little.
----> Marco
Bahala na,kainis
aba't ang galeng naman nitong damsel
nakilala ang pagod ni mamang drayber
ilan pa kayang katulad ni damsel
ang may concern para sa kawawang little
pobreng drayber ng ating tricycle.
kung ang buwaya'y dadami sa highway
mag-aangas lagi at magiging cruel
ay inakupo! mhabaging heaven
pakisipa nga sila my god na mahabagin
at sabihin sa hell i-lock sila't panatilihin
i kick their ass kung ako naroon
bahala na kung may baril silang kakatakot
aba'y nagwowork na nga ng maayos
kababayang little na laging kapos
tapos mangongotong pa ay sus ginoo!!
---->rhea
Eto na po ang sagot ng konyotiks na damsel:
Kahanga-hanga naman itong si Ginoong Knight,
Handa siyang magkipag-fight at gawin ang right
Kapag na-sight ang pulis na impolite
Tutulong kay Manong Tsuper sa kanyang plight.
Lalaban with all his might,
At hindi magpapatalo sa kanyang fright!
Marco Liwanag, isa ka talagang light
Ilawan mo kami, bukas ay gawing very bright
Ikaw ang delight sa madilim na night.
Basta write ka lang nang write, alright?

Sunday, January 10, 2010
napagkatuwaan lang (hehe)
Tuesday, January 5, 2010
Sa ating tagpuan

Sa Ating Tagpuan
kolaborasyong tula ko at ng aking mahal na si cristina casacop
Habang naglalakad ako'y nag-iisip,
Ang ikaw'y masilayan, ako'y nananabik.
Ating pagmamasdan ang paglubog ng araw
Ikaw at ako sa bukas ay nakatanaw.
Panay na ang tingin sa kamay ng relo
Hinihintay ko, muli mong pagparito
Ating pagsasaluhan itong hain kong;
Pagsintang nagmula sa ubod nitong puso.
Pagkabog nitong dibdib unti-unting bumibilis
Mga ngiti sa aking pisngi’y hindi na maialis
Tinig mong malamyos muli na namang maririnig
Ang kasiyaha'y nag-uumapaw sa akin ng labis.
Kaya’t ako ay maagang sa dako ay dumating
Sa kasabikan sa iyo’y lalo akong nahuhumaling.
Ngunit aking mahal, ikaw ay nasaan?
Bakit kaytagal mong dumating sa ating tagpuan?
(August 18, 2009)


Lambingan
tunay nga na walang wakas ang pag-ibig na matimyas
ang kapangyarihan nito'y di matalos kahit pantas
ang magsikap tumuklas sa lubos niyang lakas
marunong na tao'y tiyak na uuwing nababantad
sa mga ngiting maiinam, ay kakayaning magbukas
ng langit para man lamang itong liwanag magtanghal
itaboy ang kadilimang humahadlang sa pag-asam
sa ubod at kalubusan ng ligayang makakamtan
bumubukal sa makata'y matlaludtod na
kalaliman ng damdami'y hinukay ng buong sigla
naroroon natagpuan bulaklak na magaganda
na sukat'sapat pang-alay sa dalagang sinisinta
mang-aawit ng makita sa halamanan ang nimpa
naghiram sa makalangit ng instrumentong dakila
alpa na hawak tinugtog ng pusong may paghanga
sa nimpang agad din namang nagsayaw sa pagkatuwa.
sa gunita'y di mawala dalagang labis ang ganda
kaya itong manlililok nakaisip na gumawa
idibuho ang imahe ng iniibig na musa
resulta'y kahanga-hanga sa harapan nitong madla.
ang paligid ng pintor binahg-hari ang kulay
ng mamasdan ang dalagang may matang mapupungay
paleta't pinsel nagtulong magkaroon katuparan
larawan ng nililiyag iguhit ng buong husay
o lubos na dakila saan man natin isipin
pagpumasok ang pag-ibig sa hilagyo't sa damdamin
babagtasin maging langit dagdagan mo't kukulangin
di-hutukin maging ang sa di-malirip pangyarihin.
ang kapangyarihan nito'y di matalos kahit pantas
ang magsikap tumuklas sa lubos niyang lakas
marunong na tao'y tiyak na uuwing nababantad
sa mga ngiting maiinam, ay kakayaning magbukas
ng langit para man lamang itong liwanag magtanghal
itaboy ang kadilimang humahadlang sa pag-asam
sa ubod at kalubusan ng ligayang makakamtan
bumubukal sa makata'y matlaludtod na

kalaliman ng damdami'y hinukay ng buong sigla
naroroon natagpuan bulaklak na magaganda
na sukat'sapat pang-alay sa dalagang sinisinta
mang-aawit ng makita sa halamanan ang nimpa
naghiram sa makalangit ng instrumentong dakila
alpa na hawak tinugtog ng pusong may paghanga
sa nimpang agad din namang nagsayaw sa pagkatuwa.
sa gunita'y di mawala dalagang labis ang ganda
kaya itong manlililok nakaisip na gumawa
idibuho ang imahe ng iniibig na musa
resulta'y kahanga-hanga sa harapan nitong madla.
ang paligid ng pintor binahg-hari ang kulay
ng mamasdan ang dalagang may matang mapupungay
paleta't pinsel nagtulong magkaroon katuparan
larawan ng nililiyag iguhit ng buong husay
o lubos na dakila saan man natin isipin
pagpumasok ang pag-ibig sa hilagyo't sa damdamin
babagtasin maging langit dagdagan mo't kukulangin
di-hutukin maging ang sa di-malirip pangyarihin.
If i dream of you tonight

Bound for years in this constant illusion
craving for your figure of divine perfection
my soul was drowned in complete obsession
only your pulchritude are my sole solution.
I am a devotee of your exquisite beauty
fascinated in every gait you made so dainty
i love the way you smile so sweetly
humbly, i submit myself on your majesty.
the silence of the night was deafening
the cold air encumbers my deep suffering
the rain outside that continuously pouring
similar to the dreams on my mind cascading.
if i dream again of you tonight
cast your spell upon the blue sky
can i stay forever & be at your side
where i can hear angel singing sweet lullabies.
PAPURI

Talulot sa hardin ng tanang kinapal
liagaya ng lanagit na handog ng maykapal
diyata't sa palad ng lupa'y natanghal
payak na paralumang sa liwanag niluwal
kung maririnig mo masasayang awitan
sa bukal ng tubig ng mahal kong bayan
kanilang mga tinig may siglang umuusal
papuri na tunauy sa bayang mapalad
kaya nga bagaman kay tagal ng nabaon
sa limot itong kudyaping nakahon
alamat nito'y naumid na sa tagal ng panahong
pagsinta'y nilabnot sa puso kong hukot
at ngayon sa tulong nga nitong makalangit
sa awitin nila kudyapi ko'y makikisalaiw
dinggin mo't ang bawat tataginting na himig
sa paanan mo'y aking alay,taimtim kong paggiliw

Maglalakbay Hanggang Sa Hangganan

Maglalakbay Hanggang Sa Hangganan
(kolaborasyong tula:cristina casacop/jesrael rivera)
Tampok sa daigdig ang laksang bagabag
Nagnigo sa mundo ang ganid at sukab
Agay-ay ng hangin kalakip ay lumbay
Sapat upang itong hilagyo’y tumamlay
Aking tinatahak masikip na landas
Puspos ng tiisin at may pagpapagal
Maagting ang sakit sa bawat paghakbang
Pagkat mapang-uroy naglisaw sa daan
Daluhungin ako’t sa lupa’y igupo
Balighong amuki nito ngang balakyot
Kasabikan nilang mamasdang malugod
Na ako’y hilahod at humahaluyhoy
Baluktot nilang isipa’y di mataros
Lansiha’y naglipana, handang manuob
Sigawa’y lagunlong tila ba guguho
Hahapay-hapay mahihina’t maluho
Ngunit ako’y laging magpapakatatag
Hambalusin man ng sanlaksang bagabag
Pagkat gabay ay bumabalong sa Diyos
Paham man o mangmang pantay na lubos
Pagtuligsa ng huwad ay walang saysay
Hampas ng pagsubok ay hindi lalatay
Pithaya ko’y di nila kayang bawasan
Hanggana’y lalakbaying dangal ay tangan.
(August 26, 2009)


Elegy for Lorie
Elegy for Lorie

Music:Bitter Irony (meljun,Jayar Enriquez)
Words: Jesrael rivera
with all the pain,now its gone
will the old scars heals alone
dreams are thaw,soaked and drowned
are there butterflies flew for once more.
(refrain)
& thou you believe,our story never ends will meet at the crossroads again
and in this eve,i'll hold my tears
so,,(boy dont cry)
(chorus)
know this the words you always said
still lingers here in my head
and as the billows come and fade
i hope he take this song on your place.
i turned my back,i leave your bed
that scattered in roses of red
marks are done,lonely goodbye's
i bid this time this farewell to you
& i believe,this story must now end
forget about those crossroads we have
& in this eve,i'll hold my tears
so,,(i won't cry)
(repeat chorus)
and all this goodbye's that runs on my mind
i need to pass on you
even if it's hard to say
this tale close this time,
the embers had died
with each passing ways
If there's such a way
we're all find our ways
--ito ay isinulat ko alay sa dati kong kaklase noong high school ako. balak ko sanang magkaroon kami ng reunion pero nalaman ko na lang na kung sakaling magkakaroon man ng reunion kaming magkakaklase ay hindi na pala sya makakarating dahilan sa sya ay pumanaw na.
(sa sususnod ko na po ilalagay ang Mp3 files nito dito thanks!)

Music:Bitter Irony (meljun,Jayar Enriquez)
Words: Jesrael rivera
with all the pain,now its gone
will the old scars heals alone
dreams are thaw,soaked and drowned
are there butterflies flew for once more.
(refrain)
& thou you believe,our story never ends will meet at the crossroads again
and in this eve,i'll hold my tears
so,,(boy dont cry)
(chorus)
know this the words you always said
still lingers here in my head
and as the billows come and fade
i hope he take this song on your place.
i turned my back,i leave your bed
that scattered in roses of red
marks are done,lonely goodbye's
i bid this time this farewell to you
& i believe,this story must now end
forget about those crossroads we have
& in this eve,i'll hold my tears
so,,(i won't cry)
(repeat chorus)
and all this goodbye's that runs on my mind
i need to pass on you
even if it's hard to say
this tale close this time,
the embers had died
with each passing ways
If there's such a way
we're all find our ways
--ito ay isinulat ko alay sa dati kong kaklase noong high school ako. balak ko sanang magkaroon kami ng reunion pero nalaman ko na lang na kung sakaling magkakaroon man ng reunion kaming magkakaklase ay hindi na pala sya makakarating dahilan sa sya ay pumanaw na.
(sa sususnod ko na po ilalagay ang Mp3 files nito dito thanks!)
Sa iyong kaarawan
Ang araw sa silangan may dalang mga ngiti
sa kanyang pag akyat sa langit na mithi
liwanag niyang isinasaboy may himig bunyi
silahis ng pag-asa magiliw sa pagdampi
sa kasiyahang sa ngayon ay maingat na hinahabi
kaya naman ng ang aming kamalayan ay magising
nadinig namin ang pag-awit ng hangin sa papawirin
bulaklak nagpupugay, ang iba'y naglalambing
may buntong-hiningang kay sarap dinggin
sa dibdib idinadalit, salamat ama namin!
ang araw na ito ay siyang kaarawan
ng aming kapatid sa bayang mahal
dalangin ko kay bathalang patuloy syang ingatan
sa kanyang kalooba'y manatiling nananangan
ang dalisay na pag-ibig sa lupang sinilangan.
ang tulang ito'y iniaalay ko sa iyo kapatid
kapatid kong reya,kapatid ko sa panalig
na lubos tagumpay ay atin ding kakamtin
at pamuli mababantog inang bayan at lipi
marapat lang sa tawag na maharlikang turing
--ang tulang ito ay alay ko sa kaarawan ng kapatid na reya.
sa kanyang pag akyat sa langit na mithi
liwanag niyang isinasaboy may himig bunyi
silahis ng pag-asa magiliw sa pagdampi
sa kasiyahang sa ngayon ay maingat na hinahabi
kaya naman ng ang aming kamalayan ay magising
nadinig namin ang pag-awit ng hangin sa papawirin
bulaklak nagpupugay, ang iba'y naglalambing
may buntong-hiningang kay sarap dinggin
sa dibdib idinadalit, salamat ama namin!
ang araw na ito ay siyang kaarawan
ng aming kapatid sa bayang mahal
dalangin ko kay bathalang patuloy syang ingatan
sa kanyang kalooba'y manatiling nananangan
ang dalisay na pag-ibig sa lupang sinilangan.
ang tulang ito'y iniaalay ko sa iyo kapatid
kapatid kong reya,kapatid ko sa panalig
na lubos tagumpay ay atin ding kakamtin
at pamuli mababantog inang bayan at lipi
marapat lang sa tawag na maharlikang turing
--ang tulang ito ay alay ko sa kaarawan ng kapatid na reya.

Isang Bangkay

(kabanata XXIII EL fili)
sa aba nitong sinawi ng tadhanang anong lupit
sa pagdaramdam na tunay sa sigwang kahindik-hindik
timping sigaw di maawat nanulas na nga sa bibig
palahaw sa katunayan nakahahambal sa dinig.
wari'y hudyat nitong lagim papawirin ay nagdilim
lupa'y lubos nanaghoy,ang ulap ay nahahapis
ang kawawang kaluluwa sa pagpupuyos ng dibdib
doon sa lupa napako ang nanlalabong paningin.
lugmok ang kaniyang balikat, walang tuto kung lumakad
sinugod ang mararahas na tikatik ng ulanan
sa mga mata nya'y nagbatis ang 'sanglibong kalungkutan
himutok ibinubunton sa hangin at sa kawalan
sidhing sakit o bakit nga pinangyari ang ganito
palad na kalunos-lunos ang sa kanya'y pinatamo
daigdig niyang sa ngayon ay naroroon sa lundo
ng kahapisang malabis sa mithiin niyang bigo.
lipos noon ng pag-ibig ng adhika't ng pag-asa
yaong pamumuhay niya at ng kanyang minumutya
ng biglaang dumaluyong ang mala-buhawing luha
tinangay anmg magsing-irog landas nila'y pinag-iba.
naglagalag na may poot,sumumpang mag-hihiganti
at iligtas aknyang liyag doon sa pamimighati
kahit pa ang kabulukan kung hingin na pasamain
walang kurap na gagawin, tagumpay lang ay makamit.
ngunit anong kabuluhan magpakasakit mang lubha
anhin pa ang ihahandog na tagumpay na paglaya
kung ang aalayan nama'y ang bangkay ng iyong sinta
kasabihan nga'y totoo hayag nga sa kanyang mata.
Ang 3 anak ni marya

Ang 3 anak ni marya
ni jesrael rivera
Si fe na panganay ni aling marya
sa edad na disesyete,kaakit-akit sa ganda
mala-anghel ang mukhang nakakahalina
at mahubog ang katawang pang modelo't pang artista
itong si fe pag gabi'y sumapit na
sa may kanto ng ermita doon makikita
mabiling-mabili sa mga lalaking nagnanasa
sa kanyang alindog at hatid na ligaya.
kinse-años si buboy ng maging batikan
na runner ng droga sa bawat paaraalan
mapaging guro o estudyante,inaalukan
ng tinda niyang panira ng isip at katawan
isang araw ng nagtutulak si buboy sa daan
di niya namalayang sya pala'y iniispatan
nabigla ng damputin at kaladkarin ng parak
kalaboso itong si buboy sa kulungan bumagsak.
si estong na dose-años at snatcher ng maynila
bata-bata ng mga naglipanang pulis timawa
sa bawat kanyang napupuslit, mayroong nahihita
mga buayang kasabwat ng kanyang masamang gawa
sa gabi si estong rugby boy sa may luneta
rugby pinagsasaluhan,sinisinghot ng sagana
sa ganitong paraan kahit paano gumiginhawa
naiibsan ang gutom ng kumakalam na sikmura.
The man in the nightmare
INakupoOOOO

may lunas na raw sa ating bayang namemeligro
kung maisasakatuparan itong plano ng pangulo
mga panukala niya, tiyak daw na babago
at magsasaayos sa ating gobyerno
pero bakit marami ang nagrereklamo
hindi lang iisa ang nakitang nag-alburuto
mga tao'y nagkalat; protesta doon,protesta rito
sigaw nila"pigilan,ang balak ng pangulo".
e paano ang palasyo mayroon palang hidden agenda
ang nilulutong plano, obvious na sa masa
ang plan pag naisulong, nayari at naipasa
termino'y extended, termino nya'y mapapahaba
sus ginoo naman! di pa ba nagsawa?
si madame balak pa atang dumagdag sa problema
eto at tambakan pa nga ang suliranin ng madla
sa dami ating bayan halos di na makahinga.
Over again

Music by rogelio enricuez
Lyrics by jesrael rivera
Memories that clings in my head
Your name that is deeply etched
In my heart (2x,)
It’s so sad
Slowly now I wander this place
Tears again are rolled in my face
It’s so hard,
To accept all in vain
So here i am I couldn’t breathe
Feels like the walls are crushing in,
Should I find a place or should i find a space to take me free
Should I wait another dream to take away my misery?
This tragedy
Because
Of you.
(CHORUS)
And I still try to watch you, over and over again
And I still try to hold on you over and over again.
Realize why we all ends here
This situation that you torn ,i fear
Keep me bending and bend
Till i break.
Losing all my insanity
Shut the door in my room to feel
All the pain (pain),
All bymyself.
--mp3 files to be posted soon
ELEHIYA
Elehiya

Umaga ng itong aking diwa'y magising
sa mapanglaw na ihip ng lagalag na hangin
may awiting tila may taghoy na kalakip
luksa ang bumungad sa aking paningin
Nang ang sugo ng diyos ay magpahinga na
naatang sa balikat mo ang tungkuling dakila
tumawag ng mga hinirang sa mga wakas ng lupa't
maligtas sila sa araw ng kapootan ng ama
pinagsumikapan mo na iyong matupad
tungkuling bigay ng ama nating mahal
kahit hanggang sa sukdulan ng taglay mong lakas
pamunuan itong kawan ay di ka naglikat.
marapat ka lamang sa aming gunita
alalahanin yaong iyong mga nagawa
ng sa bawat hakbang nami'y di maligaw ang paa
makasunod kami tungo sa kaligtasang sadya.
muli paalam kapatid naming mahal
itong lupang ito'y di na rin magtatagal
bayang banal mamasdan sa kanyang dingal
kapayapaan at ang pangako'y atin doong kakamtan.

--tulang alay ko sa pamamayapa ng kapatid na eraño manalo. paalam kapatid

Umaga ng itong aking diwa'y magising
sa mapanglaw na ihip ng lagalag na hangin
may awiting tila may taghoy na kalakip
luksa ang bumungad sa aking paningin
Nang ang sugo ng diyos ay magpahinga na
naatang sa balikat mo ang tungkuling dakila
tumawag ng mga hinirang sa mga wakas ng lupa't
maligtas sila sa araw ng kapootan ng ama
pinagsumikapan mo na iyong matupad
tungkuling bigay ng ama nating mahal
kahit hanggang sa sukdulan ng taglay mong lakas
pamunuan itong kawan ay di ka naglikat.
marapat ka lamang sa aming gunita
alalahanin yaong iyong mga nagawa
ng sa bawat hakbang nami'y di maligaw ang paa
makasunod kami tungo sa kaligtasang sadya.
muli paalam kapatid naming mahal
itong lupang ito'y di na rin magtatagal
bayang banal mamasdan sa kanyang dingal
kapayapaan at ang pangako'y atin doong kakamtan.

--tulang alay ko sa pamamayapa ng kapatid na eraño manalo. paalam kapatid
Subscribe to:
Posts (Atom)