Monday, December 24, 2012

Walang Pamagat


ako'y abang makatang sa luha sinilang
sa hirap at dusa'y lumaking namumulat
subalit kaaliwan ko'y itong bigay ng maykapal
matulaing damdaming may hiwagang taglay

kung dito sa lupa naturingang hamak
sa paraiso ng tula ay makapangyarihan
dulo ng mundo'y naabot ko minsan
dulo din ng langit naparoroon akong minsan

Ang liwanag sa silangan parati kong minamasdan
pati na mga daluyong ng alon sa dagat
aking paghikbi'y nalilimutang madalas
kapag inaawit ko ang tanawing namalas

kababalaghan ng daigdig ay gaya rin ng tula
awit ng langit sing-linaw ng bula
pang aliw sa puso ng yagit na nilikha
papuri sa diyos na manlilikha


No comments:

Post a Comment