Tuesday, December 29, 2009

Gone,Gone,Gone



I wandered through fiction to look for a cure
to mend the wounds she brought in my heart
i looked around & there i saw you
smiling at me so sweetly that time.









enthralled upon your glamorous face
it allays me in my deepest pain
you alone erase her name
a curse that was planted inside of my brain.

you thaw my torment of her memory
& take away all of my ,misery
so i am thankful that i met you
in that coldness of that eve i dreamed of you.

For your eyes Only

















I Wrote this poem...

to the sweetest girl i ever met
to the girl,bearing a smile i can't forget
to the girl, that has a pair of eye
whom hypnotized & brought me to the zenith of everlasting fantasy.


every time that you came closer at me
my heart beat so loud
as i dazzled at every movement that you made gracefully
and in every words that comes out to your mouth.

it became a pleasant sound to my ear
which filled my heart with joy & happiness
like a soft melody......
it breaks the vary of my sanity.

maybe this is my finest poem i made
because of you who mostly inspired me
oh yes i am lucky for knowing you
so let me offer this piece for you.

Langit sa Kristal na Tubig




















Nanalamin sa kristal na tubig

sa linaw nito'y napagtanto

kay lapit lang pala ng panaginip

ang langit at buwan ay naroroon din

kayang abutin pati mga bituin,

na nagniningning sa dilim ng gabi.



ang buwan na sa liwanag ay nakaka-akit

ng mga magsing-irog na nagliliwaliw

isang dipa lamang itong layo sa akin.

isang dangkal nga lamang kung tutuusin.

malamang maiinggit,mga hangal na nagnanais

maangkin ang taglay na pangrahuyo ng langit.



kaya sumubok agad at mabilis

ginagagap ng kamay ang aking hangarin

e bakit nga ba't hindi? kung ito'y napakalapit

abot kamay lamang sa aking panoorin

oras ay di dapat masayang na labis

baka may makatuklas maagaw pa sa akin.



ngunit ng madampian na ng aking mga kamay

biglang nabigo ang lahat ng pag-asam

sa aking mata pala ay panlinlang

langit ay ganoon lang pala kadaling mamasdan

abot tanaw,ngunit libong layo ang pagitan

sa atin ditong lupang tungtungan.



HINAGPIS



panay kalyo na ang kamay
patuloy pa rin sa pagpasan
para sa kanyang pantawid buhay
pagpapagal itong kanyang kailangan.









isinusuko na ng kanyang katawan
o diyos ko tulungan mo na sya'y makatagal
panalangin nga nitong abang nilalang
o wag nawang ipagwalang kabuluhan.

tuloy lang sa kakayod aking katoto
baka bukas giginhawa din tayo
sana nga,sana nga,wag ka lang patatalo
tibayan ang loob,mananaig din tayo.

Friday, December 25, 2009

Rhythms in Harmony




Fair lady could we dance?
Let us not spoil this precious time.
Worry not ill take you at ease
So come on and raise
Put some smile unto your face.
Look at those fireflies in your side
They are fascinated when we collide
As we rammed our body and both sway
The melody in the music will never end.
Now take my hand and we will fade
We shall transcend both time and space
With your arms around me
No doubt we are in harmony.
Let us scatter those stars
Of amusement in their hearts
Nevertheless we will light
Candles of miracle throughout the night
Should we dance until dawn?
Or it is better not to halt this night
For the day end and begin again
Like people running as fast as a train
Don't care if they do it again and again
At least they do not turn your face be frowned again.
I am standing but I guess am now falling
I am now on the point of being dreaming
Well there is no more reason
To get on my life be back again
Better stay on this moment
Where fountains of love
Are infinite teem.

Anathema




Bound in bitter chains beneath abyss
as far below the earth as over earth
sorrow-fenced surrounds at him
punishment for all of his depraved.

his wings are broken;wounded so bad
lamentation are his words as time passed by
his confinement was all in darkness domain
no shed of light could be found for even to coruscate.

his kingdom stood on gruesome strength
throes and agony reside in that place
excruciating for those who found condemn
unruly souls are chasten there.

demons swarm closely unto his feet
snarl so deafening,so loud in pain
upon his eyes flashed with glaring fire
those creatures obey on what he commands.

in the day of wrath and the day of anguish
anathema once again wage war upon heaven
along with the wicked,the fools and deceived
prophesied fate distressing the end.

Kaibigan para sa'yo




Ilang sigarilyo na ba ang nahithit mo
pero nandito pa rin ako.
Ilang tagay na ba ang nainom mo
pero nandito pa rin ako.
Ilang problema na ba ang pinagdaanan mo
pero andito pa rin ako.

yan naman ata ang ganap ko
sa kwento ng buhay mo
ang maghintay sa tabi mo,
sa oras ng kailangan mo.
kaibigang aalalay sa iyo
hanggang sa makakaya ko.

humingi ka lang ng saklolo
agad naman akong tatakbo.
para tumulong sa iyo
sa iyo aking katoto.

muni-munihin mo bawat salitang ito.
pagkat ito ang s'yang totoo.
napagisip-isip mo na ba?
o ano d ba totoo?

Ang Panambitan




Hukot na aninong nagdadalamhati
Sa banig ng lagim,lugmok at lugami
diwa'y nagpupuyos,puso'y humihikbi
aking kapanglawan nagnigong kay sidhi







Luha,dugo't hirap doon sa kalbaryo
kaunting dupilas ay nasa peligro
palahaw ko'y dinig hanggang sa ibayo
dulo ng daigdig ang sukat ng layo

sa hapdi ng sugat 'di na makatagal
ako'y nanawagan sa ating maykapal
nagsumamong lubos ako'y nanambitan
kahabagan nawa itong napapagal

at ang kanyang habag na di kumukupas
'di ako binigo't ako'y tinulungan

Thursday, December 24, 2009

panimula








hay buhay, ang buhay!
nagbabagong kay bilis
tumatanda't lumilipas
kaya pala?kaya nga ba?
alaala ko sayo kaibigan lahat nga'y kumupas na.

kunsabagay di tau nagkasamang matagal
madali nga para sa yo malimot ang lahat
sasandali ko nga lamang sinamahan kang maglakbay,
sa buhay mong mahiwaga mataludtod ang saad.

ngunit sa saglit na sandali ngang iyon
tumimo sa isip ko,kaibigan nga kita!
dito,dito nga sa mundong mahiwaga.
anupat nabubuo ang bawat tula
tulang tulay sa pagiging malaya.

kaya itong aking bawat salita
sa yo kaibigan isapuso't isadiwa
kung di mo man tanda,cge lang wag na
ituring mo n lng mula sa luma'y nagsimula
bago mong kaibigan iyon nga ay ako nga!

In your charm



I think Of you yesterevening
beneath the dreary sky of July
as i confessed to the great moon
this feeling that i kept inside.

ALWAYS fond of seeing your face
just a glimpse can light my whole day
your sweetest smile that still remains
unto my heart you easily tame.

REMEMBER me when you need help
when there's no one to take you care
well it seems sounds funny but anyway
ill give you warm and lots of care.

YOU are my princess in disguise
the star that shines in lonely nights.



p.s. read the capitalized word at the start of the verse

Doon po sa amin



doon po sa ming bayan ng magiting

mga di palulupig sa bawat tiisin

di napasusuko di naptitigatig

may tibay ng loob may tatag ng dibdib



doon po sa amin may pagtutulungan

lahat may bahagi sa bigat ng pasan

kasamang kikilos magpapakapagal

laging aagapay sa mga hirap ng buhay


sa amin mayroong ngiti sa mga labi

kung batiin ka sa umaga o gabi

at malugod pusong pagkamatuluyin

yaman ng lahi na pinagmamapuri



doon po sa amin ay nakawiwili

ugaling taglay bawat salinlahi

far away



Please don't sleep yet,my one & only
oh be sure,while we are on our cruising
in the arms of the slow-swinging seas
we're going to do some splendor things.

let me take you oh so far away tonight
through the awesome of this fiery night
my love this time come come with me swiftly
we'll leave the world that full of weary.

move closer to me and keep holding on
together we build the land of our own
let us think of beautiful things we know
dreaming of deeds that we mean to show.

halfway up to the jealous moon
here upon this island miles away from home
kiss me softly just once more
for loosed till the dawn are we.

kailan?




natutulog pa sila,nahihimbing pa ata
kaya tuloy usad pagong itong ating sistema
hihinga ng kaunti sunod ay hibik
puno ng hirap naiipon sa dibdib.

may sapot na ata kanilang kukote
ngiti ang sagot sa palpak na diskarte
bayan laging ginagawang pasaporte
sa ambisyong maiayos kanilang imahe.

bulok nga lagi ang ating aanihin
kung ang magsasaka ay itong mga haling,
kailan matatapos,kailan matitigil?
sinong pipigil sa maling hangarin?

exquisite audrey



I remember this cute little AUDREY
this cute little AUDREY;
whom smile so sweetly
her smile can easily build of gaiety
and can turn your world unto fantasy.
AUDREY ROSE is a girl so lovely
she is salient And a girl of dainty
that is what was AUDREY
the beautiful girl in her simplicity.
the fair lady AUDREY as years passed by
i always ask myself.. why?
she still lingers upon my mind.

shakespeare in action

the rain performs a song of melody

in which the world lull by its harmony.

by the pitch of the wind they sang in rhyme

perfectly emulates a lullaby.
132212303m


mimicking the flicker of a thousand stars

tis droplet of rain falling from above.

as they dances lively in bliss

keeping up a rhythm, change it all to fantasy.
428740624m


thou must worry not in this special day

smile and let the sadness be fade away.

upon burying the melancholy

come and lit the candle of ecstasy.
1_191157886m


tis god scheme, anyway….

im here to greet you “BHEA” happy Birthday.
1_427518624l

Tuesday, December 22, 2009

LUNAR



dulot ay liwanag sa gabing madilim
tanglaw na lalang ng butihing dios natin

mistulang tanod sa mundo ng lagim

pang-aliw sa pusong may lumbay na angkin.



ganyan ang buwan sa kanyang paghahari

kay inam sa paningin, sa lawak ng langit

sa dugo niyang pang kulay,tila nais ipabatid

"di kita iiwanan sa sandali ng pighati."



kung ang luha sa mata'y magpumilit sumungaw

sa kanya mo ititig iyong mga kalungkutan

iusal ang bigat ng dalamhating pasan

itaos mo ito sa ating maykapal.



sa ganyan mo gawin ang iyong himutok

kung ang mundo mo'y tila ba nagsasalimuot

sa kawalang katarungan paligid ay bantog

sa liwanag nitong buwan gawin mo ang pagdulog.



ngunit kung paghibik ay di na mapigilan

at kailangan mo ng masasandalan

kaibigan,tawagin mo lang ang aking pangalan

tulad ng buwan,ako'y agad paririyan



UNtitled




She was staring outside her window
waiting for the dusk to come,
there it gushing the pouring rain
that enliven the pain in her heart.

a vision appear creeping placidly
right unto her front;
darkness creature keeps on lurking
on the waning of the fortitude she hold inside.

Animosity grew effusively
& the wind howls fiercely
those evil behind are rising completely
upon the solicitous hatred she kept they went hungry.

she walk slowly on through the broken mirror
looking at her reflection the girl says
"Living in could have been`s and what if`s,
I`m just so sick of always doing the right thing."

Monday, December 21, 2009

Sa muli


alaala ng panahong lumipas na
mga panahong nilumot na
nitong oras na naluluma
sa bawat pagtakbong di mahinuha

ganun ka pa din kaya?
sa tagal ng panahong di na tau nagkita
sa mga araw na di na kita kasama
mayroon bng pagbabago kaya?

kay dami ng pagbabago sa mundo
kasabay ka kaya ng takbo nito?
kung gayon sana'y di magabago
kagandahang nakita ko nun pa man sa iyo

kagandahang ang puso ang tumingin
di ang matang nagsisisnungaling
oo nga pala bago pa mahuli
sa kawalan nandito naghihintay pa rin.

Sa dilim ng gabi




natigmak sa dugo ang lupa kagabi

pagka't magigiting ay di napagapi

kung sukd'ang kay'langan buhay ang ibuwis

wag lang ipagupo kalayaang mithi

ay gagawing walang tigatig sa dibdib

sa ngalan ng bayang, lubos iniibig




kagabi nagkalat ang bangkay sa daan

katawa'y nilarot ng punlo at tabak

himagsik ng lahi ituloy ang laban

mamatay ay tunay,ligayang kay inam

kapalaluan ay t'yak na mapaparam

kasarinlan din ay,lapit ng matanaw

60402bzwuyrml8z.jpg


kagabi ay aking minasdang mabuti

ang mabunying araw at Tatlong bituin

kaninang umaga ng ito'y tanawin

pinagpupugayan ng buong taimtim

doon sa palasyo,pinuno't kawani

sumasaludo pang nagagalak man din



ngunit ng sumapit na muli ang lagim

sa dilim na kalat sa langit ang dilim

kalayaan nating tinubos ng sawi

tila ata bigla sa mali nauwi

kalayaa'y gamit sa pagmamalupit

hikahos na bayan,lalo pang sinawi



tumitig ka't ngayon lalol pang tumitindi

sangkaterba nga ang ganid at masakim

ngayon di lang dayo ang mga nanlulupig

bagkus pati na nga kabayan pa natin

naluklok sa pwesto aba't di papigil

maging yamang bayan ay kan'yang inangkin.


mga anak ni inang bayang minamahal

maging sila sila ay nagpapatayan

prinsipyo laban sa prinsipyong matatag

kamatayn para sa mga sasalungat

di ata hinuha mga pinagpagalan

dugo,luha't pawis ng bayaning mahal.



kung di rin lang tayo ang magtutulungan

at sino pa nga bang ating aasahan?

atin nang linisin putik sa watawat

na dulot ng dilim sa gabing nagdaan

ang tatlong bituin di dapat watak

ng maging maningning at mamusilak.


ang bughaw na kulay ay panatilihin

payapa't malinis na ating hangarin

may tingkad ng pulang dugo ng magiting

kalayaang bigay ng ninuno natin

may laan ang bukas,pag-asang kakamtin

at tayo'y di na nga muling pabubulid....




sa dilim ng gabing ang hari ay lagim.

Sunday, December 20, 2009

SA iyong hiling



may bahid lungkot sa iyong mga mata mga ngiting pinawi na ata sa mukha
pisnging daluyan ng nag-uunahang luha
halimaw na lungkot ang doo'y nagsasaya.

ano nga at hinahayaan mong kapanglawa'y maghari
sa lupain ng hilahil ay iyong papanahanin
patang kaluluwa mo sa mga isipin
di na ata makatayo di na rin makaidlip.

alam kong alam mo kung saan ako hahanapin
kung ang dalahin mo'y kay bigat na tiisin
sa iyong paglalakbay tila nais ng tumigil
agad mo akong tawagin,ako'y agad darating.

ang aking lira'y luma't sira na
ngunit kung kailangan ito'y tutugtog ng may halina
pang-aliw sa mga alipin nitong dusa
musikang magduduyan sa matamis na gunita.

kung ang pag-asa'y gahiblang mapupugto
ang lumbay sa puso'y tuloy sa paglago
hayaan mo't ang liwang ay ihihiling ko
sa lilim nito'y sumilong ka,kapayapaa'y matatamo.

ANTAY



laging nag-aabang sa mga tawag mo nalilipasan ng idlip kakaisip sa yo
madalas naghihintay ng pagbabalik mo
maghapon-magdamag nananabik sa iyo.

kumain ng kaunti,natulog sa lungkot
ang pusong itong ayaw na atang tumibok
nangangarap balang araw ay magkakatotoo
ang pag-asang makasama kang muli sa piling ko

subalit naglahong kaybilis ng lahat
tila nalusaw bigla itong aking asam
di ko na sa iyo ngayon maramdaman
ang pangako mong sa aki'y inilalaan.

dahil ba sa libong layo ng ating pagitan
heto at nalimot mong ako ay naghihintay?
magbabakasakali pa ba sa walang kabuluhan
ang istoryang nagtatapos lang sa kawalang saysay?

pinaglalabanan itong aking pag-aalinlangan
sa sariling nilulunod sa agos ng lumbay.
doon sa bintana'y nakatanaw ng walang katuturan
marapat bang ipagpatuloy pa ang pag-aantabay

Ang takdang aralin




may himig lambing itong ihip ng hangin

gabing ang buwan may liwanag na angkin

liwanag na tanglaw,sa mata'y nang-aaliw

ang iyong gandang akin ngang nababatid.



buntong hininga ang pinapawalan

panaginip ata tuwing ika'y pagmamasdan

dito sa malayo ikaw ay tinatanaw

maaari bang sandali,ihinto ng magpakailanman.



paumanhin kung di ako nakikipagsapalaran

ayoko lang kasi hapdi ng puso'y madadagan

sa paano lupa't langit itong ating pagitan,

ihihiling na lang kita sa ating maykapal.

DALINSIL



Kay lambing ng hangin ng umaga ngayon

kay tamis ng awit niyaong mga ibon

ang araw sa langit may bating mairog

banaag sa kanyang liwanag na handog



kung nunuynuyin ko ang nagdaang mga araw

ng aking tinutugpa'y kawalang kawawaan

daang maluwang sa mga ganid at mangmang

subalit ang huli'y sawing katapusan



hibang ako noon tuloy sa paghakbang

kasamaa'y aking aliw sa katawan

di ko nga napansing ang panlulupaypay

aking kaluluwa'y aking pinapatay



paunti nang aking nalusong ang paa

ng mapaghulo ko itong mga nagawa

ang kasasapita'y mga pasakit pala

mapapala ko'y sa bangungot kamukha



sa aba kong lagay ikaw ay naglahad

kamay mong anyaya ay tulong at gabay

inakay ako sa matuwid na daang

masikip ngunit may mapayapang buhay



pa'no lilimutin iyong mga ginawa

pagsisikap mo sa aking kaluluwa

mahango ito sa pita ng masama

at ligayang tunay ay aking matamasa



purihin ang diyos at ngayo'y sumapit

iyong kaarawang tinakda ng langit

marahil nga upang tulad ko'y hanguin

sa pagkawakawak iba pang dalinsil.

Saturday, December 19, 2009

soldier of ruins


sold With bated breath midst the night
not bat an eye to cross the line.
the fear that serve each one's right
just be ready now,prepare to die.

For the sake of our beloved land
tears and bloods are all in demand.
take leave of your wife and child
soldier obey as what i command.

Here we go for a great dilemmas!
take a popcorn to watch a perfect drama
greatly exposed by the entire media
the holocaust set in this arena.

Another child to sit in plight
A widow wails in cruel nights.

Andy kelly


What do you expect on the poet's pride
rich in wretched tears and dreams
no more hopes for him to smile
nor bliss in his every story

there was plight in great delight
of wanderings and fruitless flight
his rhyme are on formidable cries
that haunts upon his restless nights

he walks lame full of weary
each day of his lonely journey
that is the reason why he write exemplary
a beautiful verse of melancholy.

Sa AKiNG Mundo



sa lungkot ng gabi nakakulong

sa ihip ng hangin nagsusumbong

dalamhati sa dibdib na yumayabong

libong kabiguan sa loob ko'y nagbangon.




sa gitna ng dilim kaluluwa'y ligalig

ng iyong alaalang sa isip di mawaglit

pilitin mang iwaksi, pilit ding nagbabalik

usal ng bibig pangalan mo binabanggit.

images

naparam na mga ngiti sa alak ng luha

bunsod ng aking marubdob na nasa

dito sa mundong sikil ang aking laya

hanguin mo nawa ng kamtan ko ang ligaya.

dark_fantasy_276667ac39838u

ang pait ng kahapong inaawit ng gunita

musikang pahirap sa kamalayang aba

alingawngaw na tila di ata mawawala

pasakit sa aking isipang pata.

po

silipin mo ako sa aking pag-iisa

tanawin mo ako sa gitna ng pagdurusa

salimuot kong paraiso dahil sa iyong alaala

ang paglimot sa iyo kay hirap ng mawala.
ili